PALASYO: ‘LIGTAS ANG BAKUNA LABAN SA TIGDAS’

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pia.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

“Ang mensahe po ng Presidente: Mga magulang huwag po nating katakutan ang bakuna.” 

Ito ang ipinarating ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga magulang upang himukin ang mga ito na pabakunahan ang kanilang mga anak kontra tigdas.

Ang hakbang na ito ay kaugnay sa babala ng Department of Health (DOH) kamakailan lamang tungkol sa posibleng pagkalat ng nasabing sakit sa susunod na taon.

Ayon kay Wilda Silva, manager ng National Immunization Program ng DOH, mahigit 2.4 milyong kabataan na may edad apat na taong gulang pababa na madaling kapitan ng naturang karamdaman ang makikinabang sa programang ito.

Dagdag pa ni Silva, ang nasabing immunization program ng Kagawaran ay makatutulong aniya upang maiwasan ang matinding paglaganap ng nasabing sakit sa gitna ng kinakaharap pang krisis bunsod ng Coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Noong nakaraang taon ay nakapagtala ang bansa ng 48,525 na mga kaso ng tigdas.

Kung hindi maaagapan, ang tigdas ay maaaring mauwi sa komplikasyon tulad ng pneumonia, impeksyon sa tenga, pagkabulag, matinding pagdudumi, at maging pamamaga ng utak.

Gayunpaman, may mga magulang na takot pabakunahan ang kanilang mga anak. Ito ay nag-ugat sa umano’y peligrong naidulot ng Dengvaxia. Matatandaang ang 3.5 bilyong pisong Dengvaxia project, na inilatag sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III, ay umani ng kontrobersiya matapos lumabas ang mga alegasyong nailagay umano nito sa panganib ang kalusugan ng mga estudyanteng hindi pa kailanman nagkaroon ng dengue fever.

Sa kabila nito, siniguro ni Spokesperson Roque na ligtas ang bakuna laban sa tigdas.

“Itong bakuna naman po sa measles, isa na ito sa pinakaluma at pinakamaagang ginagamit na natin. Bakit pa po natin i-expose sa aberya ang ating mga minamahal sa buhay na mga chikiting, e, samantalang mayroon naman po tayong tried and proven na bakuna laban diyan,” saad ng tagapagsalita ng Pangulo.

Plano ng DOH na simulan ang national anti-measles vaccination program sa darating na Oktubre 26 para sa mga batang may edad siyam hanggang 59 na buwan.

Bukod dito, nais din ng Kagawaran na magsagawa ng supplemental immunization campaign laban sa polio sa nabanggit na araw.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.