PALASYO: ‘MGA APEKTADO NG ECQ BIBIGYANG-AYUDA’

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Magpapaabot ng tulong-pinansyal ang pamahalaan sa mga mamamayang apektado ng isang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at mga karatig probinsya nito. 

Ito ang ipinahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasailalim muli sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal sa nasabing pinakamahigpit na quarantine status sa bansa simula ngayong Lunes, Marso 29, 2021 hanggang Linggo, Abril 4. Ito ay bunsod ng pagtaas muli ng mga kaso ng Coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa bansa, partikular na sa nasabing mga lugar. 

Ayon pa sa tagapagsalita ng Pangulo, kasalukuyan pang isinasapinal ang mga detalye ng nasabing ayuda, tulad ng pagkukunan ng pondo at ang magiging paraan ng pamamahagi rito. 

Gayunpaman, sinabi ni Roque, ang mga apektado ng ECQ, lalung-lalo na iyong mga hindi makakapagtrabaho dahil dito, ay makatatanggap ng naturang ayuda. Ang mga benepisyaryo ng social amelioration program (SAP) ay mababahagian din ng naturang tulong. 

“Lahat po noong mga nangangailangan, ‘no, kasi iyan po ang tinitingnan natin magkano iyong halaga. Sa pagpupulong ng mga Metro Manila mayors, mas gusto nila na mas maraming makinabang, hindi lang iyong mga SAP beneficiaries,” pahayag pa ng opisyal.

Dahil dito, posibleng mas maliit ang matatanggap ng mga magiging benepisyaryo ng naturang tulong-pinansyal kung ikukumpara sa natatanggap na halaga mula sa SAP. 

“Siguro po ang halaga ay mas maliit sa inaasahan pero ang makakatanggap ay mas marami po,” saad ni Spokesperson Roque. 

Inaasahan din ni Roque na iyong mga hindi lamang makakapagtrabaho habang nakataas ang nasabing restriksyon sa nabanggit na mga lugar ang tatanggap ng naturang ayuda. 

“Sana po iyong mga hindi lang nakapagtrabaho ang kumuha ng financial aid, ‘no, kasi iyan naman po iyong intensiyon natin, iyong mga hindi nakapagtrabaho,” ani Roque. 

Samantala, ayon pa sa Kalihim, maaaring sa susunod na buwan na maipamahagi ang nasabing financial assistance. 

“Kasi sa lockdown mahirap mamigay ng tulong at isang linggo lang naman ito. Pero ang target po natin, hindi rin naman po matatapos ang buwan ng Abril, e makakarating iyong tulong na ibibigay ng gobyerno sa mga nangangailangan,” paliwanag ni Roque.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.