PALASYO NAGLABAS NG LISTAHAN NG MGA PASILIDAD NA MAY MABABANG SINGIL SA RT-PCR TESTS

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ibinahagi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa publiko ang listahan ng 15 pasilidad na may murang singil sa kanilang inaalok na reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) testing para matukoy kung nagpositibo ang isang indibidwal sa COVID-19.

Ang mga pasilidad na ito ay naniningil lamang ng mula  P1,750 hanggang P2,000 para sa nasabing pagsusuri.

Kamakailan lamang ay nagtalaga ng limit sa presyo ng RT-PCR testing ang gobyerno upang masigurong abot-kaya at abot-kamay ang naturang pagsusuri sa publiko. Nasa P4,500 hanggang P5,000 lamang ang maaaring singilin ng mga pribadong testing center para sa nabanggit na serbisyo, samantalang hanggang P3,800 naman kada swab test ang maaaring ipataw ng mga pampublikong pasilidad. 

“Pero mayroon naman pong maraming mga mas mababang singil. Sa Metro Manila ang mababang singil ay nasa Philippine Children’s Hospital, nasa National Kidney and Transplant Institute, sa Lung Center [of the Philippines] at saka sa Perpetual Help Hospital sa Las Piñas. Ang singil po nitong mga ito ay between P1,750 hanggang P2,000 lamang,” paglalahad ng tagapagsalita ng Pangulo.

Kabilang din sa listahan ay ang Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sa Caloocan City; Jose B. Lingad Memorial General Hospital sa San Fernando, Pampanga; Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City; University of Cebu Medical Center sa  Mandaue City; Cebu Molecular Laboratory; Baguio General Hospital; Zamboanga City Medical Center; Teresita Jalandoni Provincial General Hospital sa Negros Occidental; at Western Visayas Medical Center sa Iloilo.

Mababa rin ang singil sa RT-PCR testing sa Eastern Visayas Regional Medical Center at St. Paul’s Hospital na parehong nasa Tacloban City, Leyte.

Sa Executive Order No. 118 ni Pangulong Rodrigo Duterte, iniutos ng Pangulo sa Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry ang pagtatalaga at pagpapatupad ng naturang price range.

Ayon kay DOH Secretary Roque, nilagdaan ng dalawang nabanggit na Kagawaran ang isang joint order upang magtakda ng RT-PCR test price cap.

“Alam naman natin na ang pagtaas ng ating testing capacity, tumataas din ang demand sa testing. Ito’y isang pagkakataon para sa inyong pamahalaan na i-regulate ang presyo ng testing na acceptable at justifiable para ma-address ang malaking pagkakaiba or huge disparity sa presyo ng testing na ginagawa ng public and private facilities,” pahayag ni Secretary Roque.

Sinabi rin ni Roque na maaaring mas babaan ng mga pasilidad ang kanilang singil ngunit hindi maaaring lumampas ang mga ito sa itinalagang price ceiling.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.