PALASYO PABOR NA HINTAYIN MUNA ANG RESULTA NG VACCINATION PROGRAM BAGO MAGDESISYON SA 2022 FACE-TO-FACE CAMPAIGN

Ni Monica N. Ladisla
Source: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Masyado pa umanong maaga para pagdesisyunan kung tuluyan na nga bang ipagbabawal ang face-to-face campaign para sa darating sa 2022 national elections lalo pa’t nakatakda ng magsimula ang vaccination program ng bansa kontra COVID-19 ngayong buwan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mas mainam umano kung hihintayin ng gobyerno ang magiging resulta ng isasagawang vaccination program bago gumawa ng anumang desisyon patungkol sa pangangampanya ng mga kakandidato sa darating na eleksyon.

“I think it’s too early [to say] because we are about to start our inoculation campaign, pero, I’m sure the issue will be discussed beyond Comelec and will also include IATF,” pahayag ni Sec. Roque.

Dagdag pa niya, “Let’s wait what will happen to our vaccination campaign dahil mayroon pa naman tayong panahon.”

Kamakailan, inihayag ni Commission on Elections Spokesperson James Jimenez na maaaring magkaroon umano ng “change in the campaigning landscape” tulad ng pagbabawal ng face-to-face campaign dulot ng pandemyang kinakaharap ng bansa.

Samantala, hindi naman sang-ayon ang ilang opisyal ng gobyerno tulad nina Senator Francis Pangilinan na nagsabing “restrictive” umano ang pagbabawal ng face-to-face campaign. Gayundin ang opinyon ng Bayan Muna Partylist at aniya tanging mayayamang kandidato lamang umano ang makikinabang sa sistemang ito.

Bagama’t kailangang pairalin ang demokrasya, hindi pa rin umano alintanang may pandemyang nangyayari sa bansa.

“Sa demokrasya, kinakailangan makilala ng mga taong-bayan ang kanilang mga kandidato so lahat ng form ng campaigning would be preferred, kaya lang may pandemya nga at ‘yan ay katotohanan,” ani Sec. Roque.

Ayon pa sa kanya, “Tingnan muna natin kung maiibsan natin ‘yung ating problema sa pamamagitan ng bakuna.”

Nakatakdang magsimula ang filing of certificates of candidacy para sa 2022 elections sa darating na Oktubre habang sa Enero 9, 2022 naman ang simula ng campaign period.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.