PALASYO PINAG-AARALAN ANG POSIBLENG PAGPAPALAWIG SA TRAVEL BAN SA ILANG MGA BANSA

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Pinag-aaralan na ng Malacañang ang banta ng bagong variants ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nagmula sa United Kingdom (UK) at South Africa upang mapagpasiyahan kung papalawigin pa ang travel restrictions na ipinapatupad sa mga banyaga mula sa 28 na bansa pagkatapos ng Enero 15, 2021.

Sa isang memorandum na inilabas noong Enero 8, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na kinakailangang ipatupad ang lahat ng health protocols, lalung lalo na ang pagbabawal sa mga banyagang nagmumula sa naturang mga bansa na makapasok sa Pilipinas.

Ipinag-utos din sa mga ahensya at mga lokal na pamahalaan na manatiling mapagmatyag at ipagpatuloy ang pagpapatupad ng mga panuntunang pangkalusugan upang mapigilan ang pagkalat ng bagong COVID-19 variants sa bansa.

“The Task Group on Returning Overseas Filipinos of the National Task Force Against COVID-19 and all LGUs are directed to make necessary preparations for the implementation of strict quarantine and isolation in health facilities for those arriving, and for LGU-led monitoring for those quarantining at home, after 15 January 2021,” saad ng nasabing memo.

Ipinag-utos din ng Office of the President noong Biyernes, Enero 8, na mapabilang ang Austria sa listahan ng mga bansang hindi pinapayagan ang mga residenteng makapasok ng Pilipinas. Kasama rin sa listahan ang Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, Hong Kong Special Administrative Region, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain, United States, United Kingdom, Portugal, India, Finland, Norway, Jordan, at Brazil.

Sinasabing mas nakakahawa ang South African at UK ‘Kent’ COVID-19 variants, bagama’t wala pang ebidensyang nagsasaad na ang alinman sa mutated viruses na ito ay maaaring magdulot ng mas malalang sakit sa sinumang dadapuan ng mga ito.

Inaprubahan na rin ng Palasyo ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na ipatupad ang mga hakbang na may kinalaman sa bagong variant na South African variant (501.V2) na natukoy na sa South Africa, Japan, Finland, Norway, UK, at Austria.

Ayon naman kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, lahat ng mga Pilipinong manggagaling sa nakasaad na mga bansa ay papayagang bumalik ng Pilipinas subalit sila ay uutusang dumiretso sa one-stop-shop ng airport upang sumailalim sa 14 na araw na quarantine period. Kinakailangan ding sila ay magnegatibo sa reverse transcription-polymerase chain reaction o RT-PCR test.

Gayunpaman, paliwanag ng BI, iyong mga dumaan lamang o nanatili lang sa airports ng nasabing 28 na bansa ay hindi na kinakailangan pang sumailalim sa 14-day quarantine period, ngunit dapat pa rin silang sumunod sa regular protocols para sa mga dumadating na pasahero sa bansa.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.