PALASYO: PINAS PLANONG MAKAKUHA NG 4 NA KLASE NG COVID-19 VACCINES PARA MAGAMIT SA 1ST QUARTER NG 2021

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang press briefing na ginanap nitong Huwebes, Disyembre 17, na target ng bansa na makakuha ng apat na magkakaibang uri ng COVID-19 vaccines na siya namang ipamimigay sa ilang bahagi ng populasyon ng bansa pagsapit ng first quarter ng 2021.

Ayon sa tagapagsalita ng Pangulo, tatlo sa mga bakuna ang magmumula sa Chinese companies na Sinovac Biotech, CanSino Biologics, at Sinopharm, at ang isa naman ay galing sa Gamaleya Research Institute of Epidemiology and Microbiology ng bansang Russia.

Posible naman aniyang magamit na ang bakuna mula sa AstraZeneca pagpatak ng second quarter ng susunod na taon. Magugunitang noong nakaraang buwan ay nilagdaan na ng pamahalaan, ng pribadong sektor, at ng AstraZeneca ang kasunduuan tungkol sa pagkuha ng Pilipinas ng 2.6 milyong doses ng naturang bakuna.

Samantala, ang mga bakuna namang binuo ng Pfizer, Johnson & Johnson, Novavax, Moderna, at COVAX Facility na suportado ng  World Health Organization, ay inaasahang darating sa bansa pagtuntong ng third quarter ng 2021.

“Lahat na po ng mga bakuna ay talagang magagamit na pagkatapos po ng third quarter, pero magsisimula po talaga tayo, ang target ay first quarter ng 2021,” paglalahad ni Spokesperson Roque.

Bilang paghahanda sa napipintong pagbabakuna, inatasan na ng national government ang mga lokal na pamahalaan na maghanda ng listahan ng mga taong uunahing mabakunahan base sa kanilang lokasyon at sektor na kinabibilangan sa lipunan, gayundin ng imbentaryo ng mga lugar na maaaring magsilbing vaccination centers, at pati imbentaryo ng maaaring magamit na cold chain storage at transportation facilities.

Halos 25 milyong Pilipino na kinabibilangan ng frontline health workers, mga mahihirap, at mga pulis at sundalo, ang layunin ng pamahalaan na unang mabigyan ng bakuna.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.