PALASYO: PRRD SINIGURONG MANANAIG ANG HUSTISYA SA DACERA CASE

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

“Unang-una po, ang pangako naman po ng Presidente ay makakamit po ang katarungan sa pamilyang Dacera. Malalaman po natin ang katotohanan.”

Ito ang ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang virtual briefing na ginanap nitong Huwebes, Enero 7, 2021.

Ayon pa sa tagapagsalita ng Pangulo, bilang isa ring abogado, hindi hahayaan ng Pangulo na hindi panagutin ang sinumang mapapatunayang may kinalaman sa naturang pangyayari.

Matatandaang base sa naunang imbestigasyon, natagpuang walang malay ang 23 anyos na flight attendant na si Christine Dacera sa palikuran ng isang hotel room sa Makati City matapos nitong ipagdiwang ang Bagong Taon kasama ang mga kaibigan. Isinugod pa ang dalaga sa ospital ngunit idineklara na rin itong wala nang buhay.

Umapela na ang pamilya ni Dacera upang makamit ang hustisya, kasama na ang paghingi ng mga ito ng tulong sa Pangulo.

Sinabi pa ni Spokesperson Roque na hindi dapat ipag-alala ang ginawang hakbang ng Makati Prosecutor’s Office na irekomenda ang preliminary investigations sa mga reklamong isinampa laban sa 11 suspek sa naturang kaso.

Tatlo sa nasabing respondents ay pinalaya na noong Miyerkules, Enero 6, 2021, alinsunod sa utos ng prosecutor, na nagsabing kinakailangan pa ng mas matibay na ebidensya bago mapatunayang rape-slay case nga ang nangyari.

“‘Yan po ay makakabuti dahil ang gusto ng piskal eh magkaroon ng additional na ebidensya nang sa gayon, kapag naisampa sa kaso, dire-diretso na po sa Muntinlupa ang mga magiging akusado,” paliwanag ni Roque.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang forensic medicine team ng National Bureau of Investigation sa Philippine National Police hinggil sa pagsisiyasat sa pagpanaw ni Dacera.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.