Palasyo sa COVID-19 funds: ‘We have nothing to hide’

Ni Monica N. Ladisla

Ito ang mariing pahayag ni Palace Spokesperson Harry Roque matapos maghain ng resolusyon ang ilang senador upang magsagawa ng special audit sa nagastos ng gobyerno sa laban kontra COVID-19.

Nitong Martes, Hulyo 28, naghain ng Senate Resolution 479 sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, minority leader Franklin Drilon, at sina Senador Risa Hontiveros, Francis Pangilinan, Leila de Lima, Panfilo Lacson, at Juan Edgardo Angara upang malaman kung saan inilaan ang mga donasyon at pondo para sa COVID-19 response at atasan ang Commission on Audit na ilabas ang kanilang mga findings sa Kongreso bago magsimula ang deliberasyon sa 2021 National Budget.

Nakapaloob sa resolusyon ang ilang overpricing issues sa personal protective equipment sets na nagkakahalaga ng P1,800 kada isa kumpara sa 400-1,000 pesos sa merkado, automated nucleic extractors na umabot sa apat na milyong piso kumpara sa 1.75 milyong piso mula sa pribadong sektor. 

Dagdag pa rito ang pagbili ng pamahalaan ng RT-PCR kits sa bansang China at South Korea na umano’y mas mahal kumpara sa gawa ng mga eksperto sa University of the Philippines.

Ayon kay Sen. Hontiveros, kailangan nilang matukoy kung napunta ang tulong sa mga dapat tulungan. Dagdag pa niya, “This health crisis should not allow us to relax our accountability measures. The people should be able to trust the government that no one is lining their pockets with taxpayers’ money”.

Iginiit naman ni Sec. Roque na naging transparent ang administrasyon at lingguhan itong nagsusumite ng report sa Kongreso magmula nang ipatupad ang Bayanihan to Heal as One Act. 

“Walang pong tinatago ang Presidente at ang Malacañang. Lahat ng gastos, lahat po ng pera na ginastos para sa COVID-19 napunta po ‘yan para sa COVID-19 response ng gobyerno,” paliwanag si Sec. Roque.

Sinegundahan din ni Secretary Carlito Galvez, Jr., COVID-19 chief implementer ang pahayag na ito ni Sec. Roque at tiniyak sa publiko na naging maayos ang lahat ng transaksyon. 

“Maitataya po namin ang aming integridad sa pagbili ng mga pangangailangan ng ating mamamayan dito sa paglaban sa COVID,” saad ni Sec. Galvez.

Nakatakdang ipresenta ng Palasyo sa darating na Lunes, Agosto 3, ang breakdown ng COVID-19 loans, donations gayundin ang mga nagastos ng gobyerno sa COVID-19 response ng bansa.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.