PALASYO SA MGA TURISTA: ‘SUMUNOD SA MINIMUM HEALTH STANDARDS SA PAGBISITA SA MGA POOK-PASYALAN’

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of tourism.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nararapat na sumunod ang mga Pilipino sa mga batas na ipinatutupad upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa gitna ng unti-unting pagbubukas ng industriya ng turismo sa bansa.

Ito ay ipinahayag ng tagapagsalita ng Pangulo matapos tukuyin ng Department of Tourism (DOT) ang pagsasagawa ng social gatherings ng ilang mga turista sa mga pook-pasyalan kasunod ng pagbubukas ng ilang mga lokal na atraksyon.

“Talaga pong ang tanging paraan para mapatupad itong lahat ng minimum health protocols ay ang pagsunod ng lahat ng mga Pilipino,” paliwanag ni Roque.

Ayon pa sa tagapagsalita ng Presidente, binuksang muli ang ilang mga lokal na pasyalan sa bansa upang matulungang makabangong muli ang mga naghahanap-buhay sa ilalim ng industriya ng turismo. Ngunit, hindi naman aniya ibig sabihin nito na maaari nang makapamasyal ang mga turista nang walang face mask, at hindi na tumalima sa iba pang minimum health standards ngayong umiiral ang COVID-19, tulad ng paghuhugas ng kamay at pagsunod sa social distancing.

“Kaya po natin binubuksan ang turismo, napakadami na pong nagugutom sa sektor na iyan, pero hindi po ibig sabihin babalewalain na natin iyong mga napatunayan nang pamamaraan para mapabagal po ang pagkalat ng COVID-19,” pahayag ni Roque.

Noong nakaraang buwan, sinabi na ng DOT na pinaghahandaan na at tinitingnan na nila ang posibilidad na magtakda ng travel bubble arrangements sa mga karatig-bansa nito sa Southeast Asia o maging sa Asya.

Ang travel bubble ay isang kasunduan sa pagitan ng dalawang lugar o bansa na buksan ang kanilang mga teritoryo upang makapaglakbay ang mga mamamayan ng mga ito sa kani-kanilang nasasakupan nang walang nakapamagitang mahigpit na quarantine restrictions.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.