PALASYO SINIGURONG MATATANGGAP NG MGA HEALTH WORKERS ANG HAZARD PAY

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inanunsyo ng Palasyo ngayong araw, Mayo 8, na sisiguruhin ng pamahalaan na matatanggap ng lahat ng medical frontliners ang kanilang hazard pay at iba pang benepisyong para sa kanila. 

Humingi rin ng paumanhin si Presidential Spokesperson Harry Roque sa pagkaka-antala ng paglabas at mabagal na distribusyon ng hazard pay para sa frontline medical workers. 

“Paumanhin po. Pero hindi po tumatalikod ang administrasyon ni Presidente Duterte. Ibibigay at ibibigay po ang lahat ng benepisyo na dapat tanggapin ng ating mga bagong bayani, ang ating medical frontliners,” saad Roque sa isang virtual presser. 

Ito ay matapos ipagdiwang ng ibang medical frontliners ang National Health Workers’ Day ngayong araw sa pamamagitan ng protesta dahil umano sa mababang sahod at mabagal na distribusyon ng mga benepisyo mahigit isang taon na mula ng magsimula ang pandemyang dulot ng COVID-19. 

Tiniyak ni Roque sa lahat ng health workers na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang siguruhin ang maayos na distribusyon ng kanilang hazard pay.

“Bagama’t mayroong mga ilang mga nagmamartsa para kunin ang kanilang mga benepisyo na tama lang naman po at kabahagi iyan ng kanilang kalayaan ng malayang pananalita, ang gobyerno naman po, by and large, ibinibigay ang dapat na ibigay sa medical frontliners natin,” saad niya. 

Dagdag pa ni Roque, ginarantiyahan umano ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na ang nga natitirang pondong hindi nagamit sa ilalim ng Bayanihan 1 ay ilalaan para sa hazard pay ng medical frontliners. 

Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang taon ang Administrative Order (AO) 35 na nagbibigay ng hanggang Php3,000 hazard pay para sa mga human resources for health (HRHs). Kasunod nito ay pinirmahan din niya ang AO 36 na nagbibigay ng special risk allowance (SRA) na hanggang Php5,000 kada buwan sa health workers sa mga pribado at pampublikong ospital na mataas ang exposure sa mga pasyente ng COVID-19.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.