PALASYO SUPORTADO ANG IMINUMUNGKAHING PAGPAPALAWIG SA SOCIAL AMELIORATION PROGRAM

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ipinahayag ng Malacañang nitong Huwebes, Marso 25, 2020, ang suporta nito sa iminumungkahing pagbibigay ng karagdagang tulong-pinansyal para sa mga mahihirap na Pilipino sa pamamagitan ng pinalawig na Social Amelioration Program.

Kapag naipagpatuloy ang nasabing programa ay magiging saklaw nito ang lahat ng mga mahihirap sa bansa na lubhang apektado ang kabuhayan bunsod ng mga paghihigpit na kinakailangang gawin ng pamahalaan sa gitna ng umiiral na pandemya. 

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, laging handa ang pamahalaan na umagapay sa mga mamamayan. 

Gayunpaman, kailangan muna aniyang lubusang maipamahagi ang mga subsidiya sa ilalim ng Bayanihan 2 at ng 2021 national budget. 

Ang Bayanihan 2 o Bayanihan to Recover As One Act ay ang batas na nagbibigay-pahintulot na maglaan ng pondo upang mapasigla ang ekonomiya sa gitna ng laban sa pandemya. 

“Ang kinakailangan po munang gawin ay unang-una, siguraduhin na ang mga pondo na nilaan para sa subsidies sa ilalim ng Bayanihan 2 ay ma-distribute na sa kanilang mga beneficiaries. Bukod pa rito, mayroon tayong mga ₱287-billion worth of subsidies sa 2021 budget. So, iyon muna po ang ating ilabas para ibigay bilang tulong doon sa mga mamamayan natin ngayong mayroon naman tayong bagong pagsubok sa COVID-19 [Coronavirus disease 2019]. Kung hindi sapat ‘yong nasa Bayanihan 2 at 2021 budget, pwede naman pong pag-usapan ang Bayanihan 3. Pero ubusin muna natin itong mga salapi na nakalaan sa Bayanihan 2 at 2021 budget,” paliwanag ng tagapagsalita ng Pangulo. 

Sa kaniyang privilege speech nitong Miyerkules, Marso 24, iminungkahi ni Senate Committee on Health and Demography Chairperson Christopher “Bong” Go ang pagpapalawig sa nasabing ayuda. 

“I appealed to President Rodrigo Duterte, Finance Secretary Carlos Dominguez III, Budget Secretary Wendel Avisado, and other concerned national government agencies to provide additional assistance to poor Filipinos through an expanded Social Amelioration Program,” pahayag ng Senador. 

Noong nakaraang buwan ay nagsumite naman si House Speaker Lord Allan Velasco ng ikatlong bersyon ng Bayanihan Law, kung saan layon nitong makapaglaan ng P420 bilyong pondo para matulungan ang ekonomiya ng bansang makabangong muli mula sa matinding dagok na dala ng COVID-19 pandemic.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.