PALASYO UMAPELA SA MGA ALKALDE NG METRO MANILA NA MAGTIWALA SA IATF TUNGKOL SA PAGBUBUKAS NG MGA SINEHAN

Ni Monica N. Ladisla
Source: PIA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nanawagan ang Palasyo sa mga alkalde ng Metro Manila na magtiwala sa desisyon ng pandemic task force ng gobyerno patungkol sa pagbubukas ng mga sinehan sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine.

Aniya, kailangan umanong balansehin ng gobyerno ang pangangalaga sa kalusugan ng publiko gayundin ang pag-ahon sa ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakipag-ugnayan umano ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases sa iba’t ibang mga eksperto at nakinig sa mga rekomendasyon nito patungkol sa pagbubukas ng mga sinehan.

“Hindi lang po mga dalubhasa at eksperto sa larangan ng kalusugan ang nakaupo diyan, nandiyan din po ang mga dalubhasa sa larangan ng ekonomiya,” pahayag ni Sec. Roque.

Dagdag pa niya, “So magtiwala naman po tayo sa ating IATF dahil meron din pong nakaupong mga representante na galing po sa hanay ng mga lokal na opisyales diyan.”

Iginiit din ni Sec. Roque na habang prayoridad ang kalusugan ng publiko, kailangan rin umanong isaalang-alang ang ekonomiya ng bansa.

“Lahat tayo ninanais din na mabawasan yung hanay ng mga nagugutom. Lalong-lalo na po na ang industriya ng pelikula ay P13 billion po ‘yan dati. Marami rin pong mga mamamayan na nakasalalay din sa industriya ng paggawa ng mga pelikula ,” ani Sec. Roque.

Matapos ang ilang konsultasyon mula sa mga eksperto, mananatili umanong nakasara ang mga sinehan sa Metro Manila hanggang sa Marso 1.

Samantala, maaari na rin umanong magbukas ang sinehan ng mga lokal na pamahalaan na nakapagsumite na ng guidelines para sa pagbubukas nito.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.