PALASYO: US NANGAKONG MAGLALAAN NG BAKUNA KONTRA COVID-19 SA PILIPINAS

Ni Monica N. Ladisla
Source: theguardian.com
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ibinahagi ng Palasyo nitong Martes, Nobyembre 17 na maaaring magmula sa Estados Unidos ang bakuna kontra COVID-19 matapos nitong i-anunsyo na 94.5 percent effective na ang bakunang mula sa kanilang bansa.

Nitong Lunes, Nobyembre 16, hinirang ng eksperto sa infectious disease sa US ang bakunang gawa ng Moderna matapos magsagawa ng clinical trials sa mahigit 30,000 katao.

“The idea that we have a 94.5 percent effective vaccine is stunningly impressive,” pahayag ni Dr. Anthony Fauci, director ng National Institutes of Allergies and Infectious Diseases na co-developer ng naturang bakuna.

Ikinagalak naman ng Palasyo ang good news ng Moderna at aniya, isa itong importanteng hakbang palapit sa matagumpay na pagkakaroon ng bakuna laban sa COVID-19.

“We have firm commitments from the United States, relayed to (Foreign Affairs) Secretary (Teodoro) Locsin (Jr.) by no less than (US State) Secretary (Mike) Pompeo, that we will have access to COVID vaccines that may be developed in the United States,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Kamakailan, iniulat din ng Pfizer, isa pang US-based pharmaceutical company, na 90 porsyento ang efficacy rate ng kanilang bakuna. Napag-alamang parehong teknolohiya ang ginamit ng Moderna at Pfizer para sa paggawa ng kani-kanilang mga bakuna.

Bukod sa bansang Estados Unidos, nangako rin ang China na mababahaginan ang Pilipinas ng bakuna matapos nila itong maperpekto. 

Ayon pa kay Sec. Roque, si President Xi Jin Ping na mismo ang nagsabi kay Pangulong Rodrigo Duterte na maglalaan ang China ng bakuna para sa bansa.

Bukod sa dalawang bansang ito, nagpakita rin ng interes ang United Kingdom at Russia sa pagsuplay ng bakuna sa Pilipinas.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.