PAMAHALAAN APRUBADO NA ANG SABAYANG PAGBABAKUNA SA SENIOR CITIZENS, PERSONS WITH COMORBIDITIES

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Simula Abril 1, 2021, pinapayagan na ang sabayang pagbabakuna laban sa COVID-19 ng senior citizens o iyong mga indibidwal edad 60 taong gulang pataas, pati na rin ang tinatawag na persons with comorbidities, o iyong mga may kasalukuyang medical conditions, kasama na ang frontline health workers ng bansa.

Ayon kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr., may mga pagbabagong ginawa sa vaccination plan ng bansa upang mas mabilis na maabot nito ang tinatawag na herd immunity, kung saan malaking bahagi ng populasyon ang may tsansang hindi na tatablan ng virus.

“We had a recommendation to the NITAG [National Immunization Technical Advisory Group] and we discussed it with President [Duterte] that we should have a simultaneous vaccination of A1 to A3 priorities. If we do a sequencing of vaccination, the process will be slow,” paglalahad ni Galvez sa isang virtual press briefing.

Paliwanag ng Vaccine Czar ng bansa, mas madaling kapitan ng sakit, na maaaring mauwi sa pagpanaw, ang senior citizens at persons with comorbidities kaya’t kinakailangan na sila ay maprotektahan laban sa virus sa lalong madaling panahon, kasabay ng medical frontliners ng bansa.

Ang nasabing hakbang ay napagkasunduan aniya ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, mga pinuno ng NTF, NITAG, at mga kinatawan ng pribadong sektor.

“Sila po ang karamihang namamatay [bunsod ng COVID-19] kasi they have the burden of disease and burden of death. It’s a mutual ano kasi once na mabakunahan sila, bababa ang critical utilization rate sa mga hospitals at ma-e-ease ang ano ng mga health workers,” pagpapatuloy ni Galvez.

Ang frontline health workers (A1) ang pinakapangunahing prayoridad ng pamahalaan sa vaccination program nito. Sinusundan naman sila ng senior citizens (A2), persons with comorbidities (A3), frontline personnel sa iba pang essential sectors (A4), at iyong mga kabilang sa mahirap na populasyon ng bansa (A5).

Kasama naman sa “B” priority list ng pamahalaan sa pagbabakuna laban sa virus ay ang mga guro at social workers (B1), mga nagtatrabaho sa gobyerno (B2), iba pang essential workers (B3), iba pang miyembro ng populasyon na may mas malaking tsansang mahawa sa virus, kabilang na ang mga katutubo (B4), Overseas Filipino Workers (B5), at iba pang mga manggagawa (B6).

Kabilang naman sa “C” na kategorya ang iba pang mga Pilipinong hindi kasama sa mga naunang listahan.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.