Pamahalaan, gumagalaw na para sa kaligtasan ng mga Pilipinong nasa Myanmar

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Iginiit ng Palasyo na prayoridad ng pamahalaan na siguruhin ang kaligtasan ng mga Pilipinong kasalukuyang nasa Myanmar sa gitna ng awayang politikal at coup d’état na nagaganap sa naturang bansa. 

“Well, siyempre po ang ating pangunahing interest ay iyong kaligtasan ng ating mga mamamayan. Gumagalaw po ngayon ang ating embahada sa Myanmar para magbigay ng tulong sa lahat ng mga Pilipino,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque. 

Nitong Lunes, Pebrero 1, 2020, nagdeklara ang pwersang militar ng Myanmar ng isang taong state of emergency matapos nilang arestuhin ang civilian leader na si Aung San Suu Kyi at iba pang senior officials bunsod ng mga alegasyon ng pandaraya sa eleksyon. 

Ayon sa tagapagsalita ng Pangulo, handang tumulong ang pamahalaan sa mga Pilipinong nasa nasabing bansa sakaling kinakailangan silang i-repatriate o iuwi, o kaya naman ay magbigay ng pansamantalang matutuluyan para sa mga ito hanggang sa bumuti na ang sitwasyon doon. 

Naka-standby aniya ang hukbong-sandatahan ng bansa sakaling kailanganing magsagawa ng repatriation. 

“Kung gusto pong umuwi ng ilang mga Pilipino, gagawan po natin ng paraan para sila ay makauwi, kung gusto po nilang temporary shelter diyan sa ating embassy, maghahanap po tayo ng mga paraan ‘no at pinag-iingat nga po natin ang lahat ng ating mga kababayan diyan sa Myanmar,” saad ni Roque. 

Tumanggi namang magkomento ni Roque ukol sa mga pangyayaring nagaganap sa Myanmar, ngunit umaasa itong matatapos na ang mga isyung kinakaharap ng nasabing bansa sa lalong madaling panahon. 

“Inaasahan po natin na sa lalong mabilis na panahon sana po bumalik sa normal iyan bagama’t ang pangyayari po sa Myanmar ay isang bagay na internal at hindi po natin pinanghihimasukan. Ang importante po iyong kaligtasan ng ating mga mamamayan diyan sa Myanmar,” pagpapatuloy ng tagapagsalita ng Presidente. 

Ayon sa pagtatala ng Department of Foreign Affairs, noong Hunyo 2020 ay mayroong 1,273 na mga Pilipinong nakabase sa Myanmar.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.