PAMAHALAAN MAY LISTAHAN NA NG MAGIGING PRAYORIDAD SA PAGBABAKUNA KONTRA COVID-19

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Natukoy na ng pamahalaan ang mga indibidwal na bibigyang-prayoridad sa ilulunsad nitong COVID-19 vaccination program. 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang naturang desisyon ay base sa resolusyon na iprinesenta ng Interim National Immunization Technical Advisory Group at ng Department of Health (DOH) Technical Advisory Group. Aprubado na rin ito ng COVID-19 Task Force ng bansa. 

Nakatakda nang bakunahan ngayong buwan ang medical frontliners mula sa mga pribado at pampublikong pasilidad-pangkalusugan. Susunod namang mabibigyan ng bakuna laban sa virus ang iba pang health frontliners, kabilang na ang mga nursing aide, janitor, at mga barangay health worker. Susundan naman ang mga ito ng senior citizens, mga indibidwal na kasalukuyang may iniindang matinding karamdaman tulad ng sakit sa puso o diabetes, pati na rin ng mga sundalo, at kapulisan. 

Ang sumusunod ay ang kumpletong listahan ng magiging prayoridad ng pamahalaan sa pagbabakuna laban sa COVID-19:

  • A1: Frontline workers sa mga pampribado at pampublikong pasilidad-pangkalusugan, health professionals at non-professionals, kabilang na ang mga estudyante, nursing aide, janitor, barangay health worker, at iba pa;
  • A2: Senior citizens edad 60 na taong gulang pataas;
  • A3: Persons with comorbidities o mga indibidwal na may kasalukuyang iniindang matinding karamdaman;
  • A4: Frontline personnel sa mga mahahalagang sektor ng lipunan, kabilang na ang mga uniformed personnel, tulad ng mga pulis at sundalo, at iba pang mga nagtatrabaho sa mga sektor na itinuring ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na “essential” o importante noong panahon na idineklara ang enhanced community quarantine o ECQ sa bansa;
  • A5: Mga mahirap o nabibilang sa indigent na populasyon;
  • B1: Mga guro at social workers;
  • B2: Iba pang kawani ng gobyerno;
  • B3: Iba pang essential workers;
  • B4: Iba pang mga indibidwal na nabibilang sa mga grupong posibleng mas mabilis na mahawaan ng sakit, maliban pa sa senior citizens at mga katutubo;
  • B5: Mga nagtatrabaho sa ibang bansa; 
  • B6: Iba pang kabilang sa sektor ng mga manggagawa; at,
  • C: Iba pang kasama sa populasyon ng Pilipinas.

Ang mga lugar na bibigyang-prayoridad sa pagbabakuna ay base sa bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19, attack rate ng virus sa kada 100,000 na bilang ng populasyon sa pinakahuling apat na linggo, laki ng populasyon, at ang kahandaan ng local government units pagdating sa mga mismong lugar kung saan isasagawa ang pagbabakuna, at maging sa COVID-19 vaccine supply chain ng mga ito. 

Ang inisyal na suplay ng bakuna na manggagaling sa COVAX facility na pinamumunuan ng World Health Organization ay aabot sa 117,000 na doses mula sa kumpanyang Pfizer-BioNTech.

Ang mga doses ng bakuna ng magmumula sa Pfizer ay ipamamahagi sa COVID-19 dedicated hospitals, COVID-19 referral hospitals, mga ospital na nasa ilalim ng DOH, local government hospitals, mga ospital para sa uniformed personnel, at mga pampribadong ospital.

Nauna nang sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. na ang nasabing 117,000 doses ng bakuna ay mapupunta sa 56,000 na mga empleyado ng apat na pampublikong ospital sa bansa na nagsisilbing COVID-19 referral centers. Ito ay kinabibilangan ng Philippine General Hospital, Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium o Tala Hospital, Lung Center of the Philippines, at ng East Avenue Medical Center.

Nakatakda ring magsumite ng aplikasyon ang pamahalaan sa COVAX facility para sa karagdagang 900,000 doses ng bakuna mula sa Pfizer. May inaasahan ding 5.5 milyong doses ng AstraZeneca vaccines na darating sa bansa sa katapusan ng buwan o sa mga unang linggo ng Marso 2021.

Kasalukuyan nang nakikipagnegosasyon ang pamahalaan upang masiguro ang suplay ng 184 milyong doses ng COVID-19 vaccine para sa 92 milyong Pilipino.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.