PAMAHALAAN NAGLUNSAD NG MALAWAKANG INFO DRIVE SA PAGBABAKUNA KONTRA COVID-19

Ni Raiza F. Cabugwang
Department of the Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya, Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG), mga lokal na pamahalaan, at mga uniformed personnel ang malawakang kampanya upang mas mapaigting ang kumpyansa ng mga mamamayan na magpabakuna laban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19). 

Sinabi ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na bagama’t tumataas ang demand para sa COVID-19 vaccines, kinakailangan pa ring masolusyunan ang pag-aalangan ng ilang mga indibidwal na mabakunahan laban sa virus. 

Aniya, marami pa rin ang kumakalat na mga maling impormasyon at fake news mula sa mga hindi sang-ayon sa pagbabakuna at sa mga nabigyan ng hindi tamang detalye ukol sa vaccine at lahat ng mga ito ay pabubulaanan at sasagutin sa COVID-19 vaccine information drive ng pamahalaan. 

Dagdag pa ni Undersecretary Malaya, nakikipagtulungan na ang DILG sa Department of Health at Philippine Information Agency upang makuha ang tulong at suporta ng local government units (LGUs) at DILG attached agencies, lalung-lalo na ang mga uniformed personnel mula sa Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, at Bureau of Jail Management and Penology para mapabatid sa mas nakararaming Pilipino ang kahalagahan at mga posibleng risk na kaakibat ng pagbabakuna, at maging ang prosesong dadaanan para maipadala ang COVID-19 vaccines. 

“We are mobilizing all our DILG field officers down to the municipal level and all our chiefs of police, jail wardens, and fire marshals so that they become vaccination champions. Through a series of webinars and dialogues with health experts, we will equip them in their new role as vaccination champions in their respective communities,” pahayag ni Usec. Malaya. 

Batid naman ng tagapagsalita ng DILG na marami pa ang kinakailangang gawin upang mas mapaigting ang demand sa pagbabakuna. 

“Based on the latest data from OCTA [research group], vaccine hesitancy is at 23 percent-40 percent depending on the location and circumstances. The good news is that after our town hall meetings, demand increases up to 99 percent so an information drive is instrumental to increase vaccination uptake. We urge all LGUs to hold barangay assemblies, town hall meetings and make full use of social media to promote vaccination,” saad ni Malaya. 

Sa ilalim ng DILG Memorandum Circular 2021-019 na nilagdaan ni DILG officer-in-charge Bernardo Florece, ang lahat ng lokal na pamahalaan ay inaatasang pangunahan ang pagpapaigting ng tiwala ng mga mamamayan sa COVID-19 vaccination sa kani-kanilang mga komunidad. 

Sa parehong memo, inaatasan din ang local chief executives, local health committees, at communication arms na magtayo ng local vaccination operations centers na may nakalaang Communications, Advocacy, at Partnership Team na siyang mangunguna sa pagsasakatuparan ng naturang hakbang sa mga lokal na antas ng lipunan.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.