PANANAKIT NG LADY GRAB DRIVER SA ISANG PULIS SA TAGUIG CITY, PINATUNAYAN NG CCTV FOOTAGE

Ni Joan Alcantara
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Isang CCTV footage ang nagpatunay na mismong ang lady Grab driver na si Mary Florence Norial ang nanakit sa kapwa niya Starbucks customer na pulis palang si PCPT Ronal Saquilayan ng Pateros Municipal Police Station noong gabi ng Oktubre 6, 7:20 p.m. sa Ususan, Taguig City.

Sa video na ibinahagi diumano ng isang “responsible citizen”, nakita na kasunod ng nakaparadang sasakyan ni PCPT Saquilayan ang Hyundai Accent ni Norial sa harapan ng Starbucks nang biglang bumaba ang huli para paurungin ang pulis. Nang hindi mapagbigyan, lumilitaw na nasundan na ito ng diskusyon kung saan nagsisigaw na umano si Norial kahit nagpakilala nang pulis si PCPT Saquilayan at nagpaliwanag na hinihintay lang nito ang bumibiling anak sa loob ng coffee shop. Kapansin-pansin sa CCTV na pinipigilan ni Norial makapasok sa kanyang sariling sasakyan ang pulis, at nang tamaan ng pinto ng sasakyan ni PCPT Saquilayan ay hinampas na niya ito sa ulo sabay takbo sa Starbucks. Doon na siya hinabol ng kapitan at inaresto.

Sinabi ng Southern Police District (SPD) na pinapakita lang ng CCTV na walang katotohanan ang mga paratang ni Norial na sinaktan siya ng pulis, kabaligtaran ng sinasabi niya sa social media.

“The truth was that she rudely showed her undisciplined personality, disobedience to policy of first come, first serve of the commercial establishment like Starbucks coffee shop and utmost disrespect to authorities even after Saquilayan has introduced himself as a police officer. Worst, she maliciously used the social media by posting her own footage while narrating different story lines to malign the cop Saquilayan and the whole Substation 4 personnel,” pahayag ni SPD Director PBGEN Emmanuel Peralta.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.