PANGULONG DUTERTE BINISITA ANG MGA NASALANTA NG BAGYONG ROLLY SA BICOL

Ni Ivy Atompag
Photo: PNP-PIO
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Noong Lunes ay binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga biktima at nasalanta ng Bagyong Rolly sa rehiyon ng Bikol upang personal na makita ang pinsalang idinulot ng bagyo sa mga apektadong lugar.

Kasama ni Senator Bong Go, pinangunahan ng Pangulo ang aerial survey sa lugar at kinumusta ang mga residente ng ilang barangay sa Guinobatan, Albay kung saan maraming bahay ang nasira at mga residenteng namatay at nawawala pa rin hanggang sa ngayon dahil na rin sa pag-agos ng matinding lahar mula sa Bulkang Mayon kasabay ng paghagupit ng bagyo. 

Kabilang din ang Catanduanes sa dinaanan ng Presidente sa kanyang aerial survey. Matatandaang dito unang nag-landfall ang bagyong Rolly bago tuluyang manalanta sa iba pang parte ng rehiyon.

Matapos ang kanyang pagbisita sa Albay ay dumiretso ang Pangulo sa Malacañang upang makipagpulong sa mga miyembro ng gabinete sa isang televised briefing ukol sa mga plano ng gobyerno sa mga naging pinsala ng super typhoon sa bansa.

Ayon kay Secretary William Dar ng Department of Agriculture, nakahanda na ang pinansyal na tulong para sa mga magsasaka at mangingisdang lubos na naapektuhan ng bagyo.

“Mayroon tayong 300 million pesos under the SURE Aid Program for farmers and fisherfolk wherein a loan of up to 25,000 will be provided, with zero interest and no collateral and payable in 10 years. Now, the 25,000 is broken down to 5,000 for emergency and 20,000 for recovery,” pahayag ng Kalihim.

Siniguro din ng Pangulo na magkakaroon ng malinis na suplay ng tubig sa mga apektadong lugar sa tulong ng Local Water Utilities Administration (LWUA).

“I am directing LWUA to help. Go there and help repair the water system. Walang tubig ang mga tao doon,” saad ng Pangulo.

Bilang tugon naman sa mga reklamo ng mga residente sa Guinobatan tungkol sa quarrying na kanilang ipinaalam sa Presidente, sinuspinde na ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu ang ilang operator at lahat ng operasyon ng quarry sa paligid ng Bulkang Mayon upang maiwasan ang parehong insidente.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.