PANGULONG DUTERTE, SINIGURONG MABABAYARAN ANG UTANG NG PHILHEALTH SA RED CROSS

Ni Monica N. Ladisla
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Matapos itigil ang pagsasagawa ng swab test sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs), nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na agad aasikasuhin ang utang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Philippine Red Cross (PRC) na umabot na sa P930 milyon.

Sa kanyang taped speech nitong Lunes, Oktubre 19, siniguro ni Pangulong Duterte na babayaran ng gobyerno ang utang ng PhilHealth sa PRC sa lalong madaling panahon. 

“Do not worry, we will pay, it will take time but we will pay. We’ll look for the money… Alam ko na itong bayad na ito, babayaran ‘to in a short while. Do not worry,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Dahil dito, kailangan na umanong ituloy ng PRC ang pagsasagawa nito ng swab test upang agarang mapauwi ang apat na libong repatriated OFWs na kasalukuyang stranded sa Metro Manila dahil sa di inaasahang antala sa paglabas ng resulta ng kanilang swab test.

“The President has committed to pay, I don’t think there’s any reason for the Red Cross to doubt that the President committed to pay. And because of this, I believe testing should continue because the Red Cross has been assured that they will be paid,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Subalit, nilinaw ni Sec. Roque na kalahati lamang ang kayang bayaran ng gobyerno sa kasalukuyan at maaaring ngayong linggo o sa makalawa pa ito maganap.

Malaking halaga na umano ang 50% down payment na ito sapagkat umabot sa halos isang bilyong piso ang utang ng Philhealth sa Philippine Red Cross. Dagdag pa niya, mahalaga ang papel ng PRC sa laban ng bansa kontra COVID-19 sapagkat 25 porsyento ng lahat ng testing ay dito isinasagawa.

“And that’s why we give utmost priority to settling at least 50%. Because it is to the interest of both the Red Cross and the country that we continue our PCR testing since the Red Cross is responsible for 25% of all our testings,” paglilinaw ni Roque.

Noong Oktubre 16, itinigil ng PRC ang pagproseso ng swab test ng mga OFWs, frontline health at government workers, at iba pang indibidwal na sakop ng expanded testing guidelines ng Department of Health.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.