PANUKALANG BATAS NA NAGBABAWAL SA CHILD MARRIAGE PASADO NA SA SENADO

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inaprubahan na sa third at final reading ng Mataas na Kapulungan nitong Lunes, Nobyembre 9, ang panukalang batas na nagdedeklarang iligal ang child marriage sa bansa.

Ang “child marriage” ay tumutukoy sa pagpapakasal ng dalawang bata o ng isang batang edad 17 pababa nang may basbas ng simbahan o prosesong sibil maging sa anumang tradisyon o kultural na kaugalian.

Sa kabuuan, nakakuha ng 21 na paborableng boto ang Senate Bill No. 1373, na kilala rin bilang “Girls Not Brides Act”. Wala namang Senador ang hindi sumang-ayon o hindi nagbigay ng kaniyang boto hinggil sa nasabing panukala.

Ipinahayag ni Senator Risa Hontiveros, pinuno ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality at punong may-akda ng naturang panukala, ang kaniyang pasasalamat sa kaniyang mga kapwa Senador sa kanilang tulong upang tuluyang maipasa ang naturang panukala.

“Today, we give our girls a chance to dream, a chance to define their future according to their own terms. We defend their right to declare when they are ready to begin their families. We tell them their health matters to us, their education matters to us. We give them a fighting shot,” pahayag ni Senator Hontiveros sa pagpupulong na ginanap sa Senado tungkol sa panukala.

Ayon pa sa Senador, pangunahing isinasaad ng Senate Bill No. 1373 na krimen na maituturing ang pagsasagawa ng child marriage at dapat na patawan ng karampatang parusa ang sinumang magsasagawa nito.

“Being conscious of existing cultural practices, the bill introduces a culturally appropriate program and services that will be responsive to the needs of those who will be affected by this law,” dagdag pa ni Hontiveros.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang indibidwal na magiging dahilan, maghahanda, o pangungunahan ang nasabing aktibidad ay pagmumultahin ng P40,000 o maaaring makulong ng mula anim na taon at isang araw hanggang walong taon. Maaari rin siyang matanggal sa pwesto kung siya ay isang empleyado ng gobyerno.

Kung ang lumabag naman sa batas ay ang magulang, ama-amahan o nanay-nanayan, o hindi kaya ay tagapag-alaga ng menor de edad, ang kaparusahang ibibigay ay 10 taon at isang araw hanggang 12 taon na pagkakakulong. Siya rin ay pagbabayarin ng hindi bababa sa P50,000. Mapapasawalang-bisa rin ang parental authority o ang pagkamagulang nito sa bata.

Ilan pa sa mga senador na may-akda ng “Girls Not Brides Act” ay sina Senate President Vicente Sotto III, Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri, Senate Minority Leader Franklin Drilon, at sina Senador Leila de Lima, Joel Villanueva, Imelda “Imee” Marcos, Juan Edgardo “Sonny” Angara, at Francis “Kiko” Pangilinan.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.