Kasabay ng pagbisita ng first Cordilleran Philippine National Police (PNP) Chief sa kanyang hometown sa Benguet ay ang public denunciation ng ilang miyembro ng Communist Party of the Philippines/New People’s Army (CPP/NPA) kontra sa grupo nitong Lunes, Oktubre 19 sa loob ng Camp Bado Dangwa, La Trinidad.
Pinangunahan ni Chief PNP Camilo Pancratius P. Cascolan ang recitation ng mga kumalas nang miyembro ng CPP/NPA na sinamahan pa ng pagsuko ng 74 iba’t ibang firearms. Mula 2018 ay 256 Communist Terrorist Group at Militia ng Bayan members at supporters ang sumuko na sa pamahalaan.
Nagsagawa rin ng ceremonial burning ng 219 kilo ng marijuana bricks at plants ang PNP Chief, kasama ang Police Regional Office Cordillera at Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera Administrative Region.