Para masigurong ligtas ang COVID-19 vaccine ng Russia, ‘AKO ANG UNANG MAGPAPABAKUNA SA HARAP NG PUBLIKO’ – PRRD

Ni Raiza F. Cabugwang

“Maligayang-maligaya ako kasi ang Russia, kaibigan natin ito. Ang ano nila is magbigay 

sila ng bakuna. Wala naman silang sinasabi bayaran mo. Ito, tingin ko kay President [Vladimir] Putin, tulong niya sa atin, libre.”

Ito ang masayang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang public address nitong Lunes matapos niyang tanggapin ang alok ng Russia na mag-suplay ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine sa Pilipinas sa oras na handa na itong ipamahagi.

Sa isang virtual news conference noong Biyernes, sinabi ni Russian Ambassador Igor Khovaev na nakalikha na ang Gamaleya National Research Center for Epidemiology and Microbiology ng Russia ng isang epektibo at ligtas na bakuna laban sa virus at handa aniya ang kanyang bansa na magbigay ng suplay nito sa Pilipinas. 

Dagdag pa ni Ambassador Khovaev, nasa Department of Foreign Affairs (DFA) na ang mga panukala para sa pagsasagawa ng clinical trials at produksyon ng nasabing bakuna sa Pilipinas. Ayon naman sa DFA, naisangguni na sa mga kaukulang ahensya ang mga panukalang ito para dumaan sa tamang pagsusuri. 

“Nagpapasalamat ho ako sa inyo sa mabuting loob ninyo sa Filipino. Someday, we will, makabayad man lang kami sa utang na loob sa inyo,” patuloy na pahayag ng Pangulo.

Ipinangako rin ni Pangulong Duterte na mananatiling magkaibigan ang Pilipinas at Russia.

Para mas maipakita ang pasasalamat at tiwala niya sa pag-aaral na ginawa ng Russia ukol sa bakuna at masigurong ligtas ito para sa mga Pilipino, sinabi ng Pangulo na kapag dumating na ito ay handa aniya siya na maging kauna-unahang babakunahan at gagawin niya ito sa harap ng publiko. 

“Para ipakita ko sa kanila na tiwala ako at hindi sila nagkamali, mag-offer ako pagdating, ‘yung doctor nila o doctor natin, ako ang unang magpabakuna [sa harap ng publiko],” saad ng Pangulo.

Ipinarating din ng Presidente na handa siyang tulungan ang Russia sa clinical trials at lokal na produksyon ng bakuna. Ipinag-utos din niya kay Health Secretary Francisco Duque III na magtalaga ng taong mangunguna sa pakikipagtulungan sa Russia hinggil sa nasabing hakbang. 

“Maghanap tayo ng Russian partner dito, papiliin sila natin ng tao so that they can work expeditiously. Maganda ang takbo ng kanilang tao. We are extremely grateful,” wika ng Pangulo. 

Dahil sa magandang balitang ito, umaasa ang Pangulo na magiging COVID-free na ang mundo pagsapit ng Disyembre at maipagdiriwang na ang kapaskuhan. 

Bagama’t inamin niya na kinakailangan pang makumpleto ang clinical trials, magiging maiksi na naman aniya ang pag-aantay magmula ngayon. 

“Maghintay kayo. Actually ang vaccines, they are to be distributed worldwide na ‘yan by September, October. Bibitawan na nila dahan-dahan,” sabi pa ng Pangulo. 

Ayon sa mga siyentipiko ng Russia, maganda ang resulta ng isinasagawang clinical trials. 

Kamakailan din ay ipinahayag ng Russia na ilulunsad nito ang mass production ng mga bakuna laban sa COVID-19 sa buwan ng Setyembre at maglalabas ito ng pitong milyong dosis kada buwan sa susunod na taon.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.