Isang parak sa Central Visayas ang nagpositibo sa shabu matapos ang random drug test noong Disyembre 17 na isinagawa ng Regional Crime Laboratory 7 sa Cebu City.,
Ipinag-utos na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold M. Sinas ang imbestigasyon kay PCPL Manuel Alconten Paez ng Regional Police Recruitment Unit-7.
Kinumpirma ng opisyal na chemistry report ang droga na nakita sa ihi ni Paez.
Parte ng kampanya ng PNP ang random drug testing sa paglilinis ng kanilang hanay ng mga pulis na sangkot sa ilegal na droga.