Pormal na nagbalik-operasyon na ang Pasig River ferry services ngayong araw matapos makumpleto ang pagsasaayos ng mga pontoon pagkatapos ng pananalasa ng Bagyong ulyesses.
Ang ferry ay tatakbo mula 6 AM hanggang 6 PM ng Lunes hanggang Sabado. Ang mga operasyunal na istasyon ay ang Pinagbuhatan sa Pasig; Guadalupe sa Makati; Hulo sa MAndaluyong; Lambingan, Sta. Ana, Polytechnic University of the Philippines; Escolta at Lawton sa lungsod ng Maynila.
Kasabay ng pagbabalik-operasyon na ito ay pinapaalalahanan ang mga pasahero na sumunod sa health at safety protocol sa mga bangka at ferry station.
Bukod dito, may kailangan ding sagutan na form at commuter information sheet ang mga pasahero bago sumakay sa ferry.
Matatandaang sinuspinde ang mga serbisyo ng ferry matapos masira ang mga docking platforms para sa mga bangka ng bagyong Ulysses dalawang linggo na ang nakakalipas.