PCOO, DOH, MAGKATUWANG SA PAMIMIGAY NG HEALTH CARE KITS SA BRGY. MIPAGA, MARAWI CITY

Ni Monica N. Ladisla
Photo source: Arnold Diamat (PCOO-BCS)
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nanguna sa pamamahagi ng universal health care kits noong Mayo 23 ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) at Department of Health (DOH) para sa internally displaced persons (IDPs) sa transitory shelter na matatagpuan sa Bahay Pag-asa – Phase 2 sa Brgy. Mipaga, Marawi City.

Parte umano ito ng suporta ng ahensya sa selebrasyon ng Marawi Week of Peace gayundin ang pagpapaigting ng proteksyon ng publiko laban  sa COVID-19.

Ayon kay Bureau of Communications Services Director Ma. Florinda Princess Duque, layon ng inisyatibang ito na iparating sa mga taong nakatira sa malalayong bahagi ng bansa ang mga programa at proyekto ng gobyerno sa panahon ng pandemya.

“Talagang pumupunta kami sa mga barangay para ipahiwatig kung ano po ba talaga iyong ang mga ginagawa nating programa, lalong lalo na nilalabanan natin ang COVID-19 na pandemyang ito… Maraming programa si President Rodrigo Roa Duterte at nais naming ibahagi iyon sa inyo, i-share sa inyo kasi para sa inyo ang programa ni President Duterte,” pahayag ni Dir. Duque.

Ibinahagi rin ni PCOO Assistant Secretary Jusan Vincent Arcena na mas pinaigting pa ng kanilang opisina ang information education campaign para sa publiko sa pamamagitan ng programang Laging Handa.

“Mula sa mga kanayunan, hanggang sa mga liblib na lugar ay dinarayo po ng PCOO at gumagawa kami ng information, education and communication (IEC) materials para iparating sa lahat ng ating kababayan ang mga dapat nilang malamang mga impormasyon, mga vital, relevant at importante po sa inyong pagdedesisyon,” ani Asec. Arcena.

Samantala, lubos ang pasasalamat ng mga benepisyaryo ng naturang health care kits. Anila, patunay lamang ito na hindi nakakalimutan ng gobyerno ang kanilang mga pangangailangan.

“Maraming salamat sa kanila kasi hanggang nandito kami, nandito rin sila. Hindi natatapos ang pamimigay nila sa amin. Kahit paano naiibsan ang aming nararamdaman sa ground zero,” pahayag ni Almira Ali Racman, isang residente sa Bahay Pag-asa Phase 2.

Tumanggap ang mga benepisyaryo ng T-shirts, mugs, notebooks at IEC materials, gayundin ng Laging Handa calendars.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.