PCOO NAGLUNSAD NG MEDIA HUB SA MINDANAO

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Sa pangunguna ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, pinasinayaan nitong Sabado, Disyembre 5, sa Davao City, ang P700 milyong Mindanao media hub na may layong mapalawak ang serbisyo ng government media sa mga rehiyong nasasakupan nito.

Ayon kay Secretary Andanar, ang naturang modernong pasilidad ay magbubukas ng maraming oportunidad upang lalo pang mas mapaunlad ang Mindanao.

“The Mindanao Media Hub will now serve as the government’s main broadcast hub for Regions 10 to 13 and the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, to expand our areas of coverage and help deliver truthful news and information tailored for the region and its people. Not only that, this facility will help contribute to regional development as well as serve as [a] training ground for the wave of next-generation media practitioners and professionals for our country,” pahayag ng Kalihim.

Ang nasabing media hub ay magsisilbing tahanan din ng PCOO satellite office sa Davao, kasama na ang mga ahensya sa ilalim nito, kagaya ng People’s Television Network, Radyo Pilipinas, Philippine News Agency, at Philippine Information Agency.

Ayon pa kay kay Communications Secretary Andanar, plano rin ng gobyerno na palawakin ang lokasyong kayang abutin ng government media sa Visayas sa pamamagitan ng pagtatayo ng sarili nitong media hub sa taong 2022.

“May the success of the Mindanao media hub contribute and serve as a pilot initiative for us to establish the Visayas media hub, so we can work towards our goal of having all three major islands covered by the government’s news, information and communications agencies,” saad ni Andanar.

Dagdag pa ng Kalihim, kapag natupad ang nasabing plano ng pamahalaan ay mas lalong magiging mulat ang mga Pilipino sa mga mahahalagang isyu sa lipunan at sa mga serbisyo at programa ng pamahalaan para sa mga mamamayan. 

“The realization of this goal will go a long way to promote civic engagement and awareness among all Filipinos on relevant national issues and inform them of the government’s services and programs,” pagpapatuloy ni Andanar.

Bukod sa media hubs, layon din ng PCOO na magtayo ng Government Strategic Communications Academy sa Manolo Fortich, Bukidnon. Nakatakda sanang simulan ang konstruksyon nito ngayong taon, ngunit ipinagpaliban muna ito para magamit ang pondo para sa COVID-19 response ng gobyerno.

Layunin ng training facility na ito na masolusyunan ang kakulangan sa komunikasyon sa mga opisina ng gobyerno sa pamamagitan ng pagsasanay sa information officers na gumamit ng mga teknolohiya na may kinalaman sa komunikasyon at makatutulong upang mas mapabilis at maging mas epektibo ang paghahatid ng mahahalagang impormasyon sa publiko.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.