PHASE 3 NG NATIONAL ACTION PLAN NG GOBYERNO LABAN SA COVID-19 IPINAPATUPAD NA

Ni Raiza F. Cabugwang
National Task Force Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. Photo courtesy of pna.gov.ph.
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ayon kay National Task Force (NTF) Against Coronavirus disease 2019 (COVID-19) chief implementer Secretary Carlito Galvez, Jr., opisyal nang nagsimula ang pagpapatupad sa Phase 3 ng National Action Plan (NAP), ang response strategy ng bansa upang labanan ang COVID-19 na siya ring magiging gabay sa pag-transition patungo sa “new normal” at pamumuhay sa gitna ng banta ng virus.

Sinabi rin ng Kalihim na ipatutupad ang nasabing istratehiya hanggang Marso ng susunod na taon.

“Ang NAP Phase 3 ang gagabay sa ating pagtawid sa new normal. Ito po ang parang magiging transition point kasi ang Phase 3 ay anim na buwan po ito, buo po ng last quarter [ng 2020] at ‘yong first quarter [ng 2021] kasi mag-transition po tayo ng new normal. By that time baka magkaroon na ng mga trials sa ating mga vaccines,” pahayag ni Secretary Galvez.

Base sa Inter-Agency Task Force on Managing Emerging Infectious Diseases, kinakatawan ng “new normal” ang mga gawi, sitwasyon, at minimum public health standards na dapat makagawian o maging parte na ng buhay ng mga mamamayan, kahit na pagkatapos ng pandemya at habang ang virus ay hindi pa tuluyang napupuksa.

Kasama sa nasabing minimum public health standards ang pagsusuot ng face masks at face shields, at ang pagsunod sa social distancing.

Ayon sa health experts na kinokonsulta ng pamahalaan, posibleng sa Abril 2021 pa makakakuha ng bakuna ang bansa laban sa naturang virus.

Habang hinihintay ito, iginiit ni Secretary Galvez na kinakailangang magkaroon ng balanse sa pagitan ng pagsiguro sa kaligtasan ng publiko at sa pagsasabuhay ng ekonomiya ng bansa sa ilalim ng NAP Phase 3.

“Sa pagpasok ng NAP Phase 3, wala na pong trade-off. Kailangan magkaroon ng striking balance o equilibrium between the economy and health. Gagamitin natin ang mga aral na natutunan natin sa pagpapatupad ng Phase 1 at 2,” saad ng Kalihim.

Bukod pa rito, sinabi rin ni Galvez na kinakailangang ipatupad ang Phase 3 nang mas mahabang panahon upang hindi mabigla ang publiko sa nasabing mga pagbabago at sa unti-unting pagluluwag ng quarantine restrictions sa ilalim ng “new normal”. 

Kinakailangan din aniyang paigtingin ang testing, tracing, isolation, at treatment strategies sa pamamagitan ng pagtatayo ng mas marami pang mga pasilidad para sa mga ito at pag-iempleyo ng karagdagang healthcare workers.

“Dito po sa NAP Phase 3, ang importante ay maipagpatuloy ang tagumpay na nakamit nitong nakaraang anim na buwan. Ang third phase po ng NAP ay tututok sa pagpigil ng pag-akyat ng mga kaso at i-akyat ang antas ng recovery to our medical therapists, at pagbaba ng mortality,” dagdag pa ni Galvez.

Sa pamamagitan nito aniya, mas magiging ligtas ang mga mamamayan at mas mabilis ding mapapanumbalik ang sigla ng ekonomiya ng bansa.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.