Ipinasasailalim sa interim o pansamantalang management committee ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ito ang suhestiyon ng task force kay Pangulong Rodrigo Duterte base sa kwento ni Justice Secretary Menardo Guevarra noong Agosto 25.
“We thought of an interim management committee for PhilHealth in view of the apparent systemic problems that will be difficult to resolve if the people who have an interest to keep the present structure and systems will remain in their present positions,” pahayag ni Guevarra sa media.
Aniya, ang Governance Commission for Government-Owned or -Controlled Corporations (GCG), na nasa ilalim ng Office of the President, ang may legal na mandato para magpatupad ng mga pagbabago sa pamunuan ng GOCCs.
“So, we are recommending to the President that the GCG be directed to consider this measure, among others, as part of overall efforts to strengthen PhilHealth. The details, such as who will comprise such interim management committee, their terms of reference, etc. will be determined by the GCG itself,” ayon pa kay Guevarra.
Sa ginanap na Cabinet briefing at televised press conference sa Pangulo, sinabi ni Guevarra, pinuno ng Task Force PhilHealth, na bahagi ng problema ang kawalan ng centralized IT (information technology) system para masubaybayan ang mga account at transaksyon.
Dagdag pa ng Kalihim, plano nilang tapusin ang lahat nang nakabinbin na imbestigasyon na napaso at nasimulan na sa PhilHealth bago pa man ipinag-utos ng Pangulo ang pagbuo sa Task Force PhilHealth.
Noong Agosto 24, humarap sina PhilHealth senior vice president (SVP) for the legal sector Rodolfo del Rosario, Jr. at SVP for health finance policy sector Dr. Israel Pargas sa task force.
Ayon kay Justice Undersecretary Markk Perete, ginisa si del Rosario sa maraming isyu sa ahensya partikular sa pending claims, kabilang ang PHP3.9 bilyon na claims.
(Benjamin Pulta – PNA)