PHILSYS REGISTRATION SA MGA PROBINSYA, SISIMULAN NA SA ENERO 18

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Bubuksan na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang proseso ng pagpaparehistro para sa Philippine Identification System (PhilSys) sa publiko simula sa Enero 18.

Ayon kay Deputy National Statistician at PSA Assistant Secretary Rosalinda Bautista, sisimulan na ng PSA ang unang phase ng PhilSys registration sa lahat ng probinsya sa buong bansa.

“Beginning next week January 18, magkakaroon uli kami ng (We will conduct anew) another Step 1 [registration], but now, including all provinces,” saad niya sa isang panayam sa programa ng DWDD radio.

Nilinaw din ni Bautista na hindi papalitan ng national ID ang ibang kasalukuyang ID na may iba’t ibang tungkulin.

Dagdag pa niya, ang Philippine Identification ID (PhilID) ay magsisilbing mabisang pruweba ng pagkakakilanlan na makatutulong upang mapabilis ang mga transaksyon sa gobyerno at pribadong sektor.

Ang pagkuha ng PhilID ay libre para sa mga Pilipino sa unang aplikasyon. Magkakaroon lamang ng replacement fee sa pagkakataong mawala o masira ito. 

Layon ng PSA na makapagparehistro ang nasa 50 hanggang 70 milyong Pilipino bago matapos ang 2021.

Kasalukuyan ding nagsasagawa ang ahensiya ng small-scale rollout ng Step 2 ng PhilSys registration para sa mga indibidwal na nauna nang sumailalim sa Step 1.

Kasama sa Step 2 ng pagpaparehistro ang validation ng mga dokumentong ipinasa at pagkuha ng biometric information ng nagparehistro tulad ng fingerprints, iris scans, at iba pa.

Matatandaang nauna nang binuksan ng PSA ang Step 1 pre-registration ng PhilSys noong Oktubre 2020 sa mga Pilipinong nasa low-income bracket na nakatira sa 664 lungsod at munisipalidad sa 32 probinsya na itinuturing na “low-risk areas” sa COVID-19.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.