PHILSYS, SAGOT SA KAWALAN NG BANK ACCOUNTS NG EMERGENCY SUBSIDY BENEFICIARIES—NEDA

Ni Trish Alcantara
Photo: PIA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Sagot ang PhilSys sa antala sa pamimigay ng emergency subsidy ng pamahalaan dahil sa kawalan ng bank accounts ng mga benepisyaryo nito, ayon sa NEDA.

Ipinaliwanag ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick T. Chua sa Human Capital Ministerial Conclave ng World Bank nitong Abril 5 na sa kasagsagan ng quarantine noong 2020, ipinamigay ng pamahalaan ang pinakamalaking emergency subsidy nito sa 18 milyong pinakamahihirap na pamilya sa bansa o iyong nasa bottom 75 percent. Ngunit dahil 22 percent lang ng mga benepisyaryo ang may bank accounts, nagdulot ito ng antala sa payout.

Dagdag pa rito, 51.2 milyong mga Pilipino o 71 percent ng adult population ng bansa ang walang bank account dahil sa kulang-kulang na documentary requirements, ayon sa 2019 Financial Inclusion Survey ng BSP.

“Providing each household with a national ID will allow them to open a bank account and access government subsidy programs efficiently. We also envision PhilSys to spark widespread use of electronic payments which can provide more and better opportunities for people, especially the poor and underserved, to access services,” dagdag pa ng NEDA Chief.

Bukod pa ito sa mas mapadadaling pagtukoy sa mga nararapat na benepisyaryo ng social programs ng pamahalaan, mapalalakas na financial inclusion ng publiko, at mapahuhusay na distribusyon ng vaccine.

Layon ng pamahalaan na makapagrehistro ng nasa 50-70 milyong indibidwal sa pagtatapos ng taon. Ngayong Abril 2021, nasa 27 milyon na ang nakatapos sa step 1 (demographic data collection) kung saan nasa mahigit 2.2 milyon na ang nakakumpleto sa step 2 (biometrics capture) at mahigit 390,000 na rin ang nakapagbukas ng bank accounts onsite. Magsisimula naman ang step 3 (pamimigay ng PhilSys Numbers at PhilIDs) ito ring Abril.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.