PINAKAMARAMING BLACKLISTED CONTRACTORS SA NAKALIPAS NA 2 DEKADA, NAITALA NG DPWH

Ni Joan Alcantara
Photo: DPWH
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nasa 25 blacklisted contractors dahil sa paglabag sa terms and conditions ng kanilang mga kontrata ang naitala na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) mula July 2016–pinakamarami kumpara sa 8 mula 2005 hanggang 2010 at 5 mula 2010 hanggang June 2016 o sa nakalipas na tatlong administrasyon.

Hindi makakasali sa anumang government project sa loob ng isang taon ang mga blacklisted contractor alinsunod sa implementing rules and regulations ng Government Procurement Reform Act.

“Let this be a warning to our contractors that this administration of President Rodrigo Roa Duterte is serious in its anti-corruption drive and will not tolerate those who bagged a big amount of civil works contracts but deliberately violate the law for personal gains,” pahayag ni DPWH Sec. Mark A. Villar.

Kasama sa listahan ang St. Gerrard Construction General Contractor & Development Corporation na may PhP8.861 bilyong kontrata sa iba’t ibang proyekto, dahil sa antala sa isang building project sa Indang, Cavite.

Nasuspinde rin ng isang taon ang Syndite Construction Corporation mula Setyembre 6, 2018 dahil sa mahigit 15% negative slippage sa konstruksyon ng isang flood control system sa Cagayan. Mayroon itong PhP5.588 bilyong kontrata para sa magkakaibang proyekto sa DPWH.

“This is a testament that collusion between contractors and DPWH officials is not being tolerated. If any of our implementing offices are tolerating erring contractors by letting them continue with their projects without sanctioning them, the Department will not hesitate in imposing disciplinary  action against them,” dagdag pa ng Kalihim.

Tuluy-tuloy naman ang monitoring ng ahensya sa libu-libo nitong public works projects.

Gumagamit ang DPWH sa unang pagkakataon sa ilalim ni Sec. Villar ng drones at geographic-based status reports kasama na ang satellite photography o geotagging para iwas sa ghost projects.

Mayroon ding tinatawag na DPWH Infratrack app na gamit upang mapadali ang monitoring ng civil work projects para sa mas tamang pagsukat sa mga natapos na ng mga contractor.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.