Patuloy ang preemptive evacuation na isinasagawa sa Barangay Silangan, Quezon City bilang bahagi ng paghahanda sa posibleng delubyong dala ni Bagyong Ulysses.
Magugunitang mahigit daang katao ang nasawi nang magkaroon ng mga pagbaha at landslide sa nasabing lugar sa kasagsagan ng malakas na ulan at hangin na dala ni Bagyong Ondoy noong 2009.