Pinas hiniling sa UK at Germany na maglaan ng bakuna para sa mga OFW

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Hiniling na umano ng Pilipinas sa United Kingdom (UK) at Germany na maglaan ng COVID-19 vaccines para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nagtatrabaho doon bilang parte ng kasunduan ng mga ito sa Pilipinas kaugnay ng pagpapadala nito ng medical workers sa dalawang bansa.

Ayon kay International Labor Affairs Bureau (ILAB) Director Alice Visperas, hiningi na umano ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III sa UK at Germany na maglaan ng bakuna sa mga OFWs doon na apektado ng pandemya bago magpadala ang Pilipinas ng medical workers doon.

“Secretary Bello’s request is for our OFWs, these are the OFWs that were repatriated, who are here in the country including those who will be deployed. It is important, especially those who are set to leave since many countries who are hiring migrant workers want workers that have been vaccinated,” saad ni Visperas sa isang virtual forum kahapon.

Ang Pilipinas ay may dalawang bilateral agreements sa UK noong 2002 at 2003. Ayon kay Visperas, kailangan muling suriin at i-renew ang mga kasunduang ito upang mas masiguro ang kapakanan at siguridad ng mga Pilipino doon. 

“Also, Secretary Bello requested for their government to give us vaccines especially for our OFWs,” dagdag niya. 

Naghahangad ang parehong bansa na ma-exempt mula sa 5,000 cap sa deployment ng mga nurse na ipinapatupad ng Pilipinas upang siguruhin na may sapat na bilang ng mga nurse sa bansa sa oras ng pangangailangan.

Nang tanungin kung makakapagdesisyon na ang DOLE ngayong linggo tungkol sa hiling ng dalawang bansa, sinabi ni Visperas na nakadepende ito sa magiging sagot ng UK at Germany sa hiling ni Sec. Bello.

“It will depend on their answer to the request of Sec. Bello. We are waiting for the decision of their governments. But, according to the Secretary, he is considering to grant the cap if they will give in to our conditions,” saad niya.

Nasa tinatayang 600,000 na OFWs umano ang makikinabang kapag pumayag ang dalawang bansa sa kondisyong ito.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.