PINAS IKA-12 SA PINAKALIGTAS NA BANSA SA MUNDO, PALASYO NAGPASALAMAT SA PAGKILALANG NATANGGAP

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Ipinahayag ng Malacañang nitong Huwebes, Nobyembre 5, ang pasasalamat nito sa mga Pilipino sa pagkilala sa kampanya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagpapanatili ng kaayusan at katiwasayan sa bansa.

Ito ay matapos hirangin ang Pilipinas bilang ika-12 sa listahan ng mga pinakaligtas na bansa sa buong mundo sa survey na isinagawa ng analytics firm na Gallup mula sa Washington, United States of America.

“Maraming, maraming salamat po at ito pong kumpiyansa na ibinigay ninyo sa pamamagitan ng survey na ito ay patunay na patuloy po tayong nagsusulong na maibalik po talaga ang peace and order sa ating komunidad,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang televised press briefing.

Ang inilabas na 2020 Global Law and Order Report ng Gallup ay base sa sagot ng 175,000 katao mula sa 144 na mga bansa at lugar sa mundo na kasali sa nasabing survey na ginanap noong 2019.

Kahanay ng Pilipinas ang Australia, New Zealand, Poland, at Serbia na pare-parehong nakakuha ng 84 na puntos sa survey.

Ayon sa naturang analytics firm, kapag nakakuha ng malaking puntos ang isang bansa, nangangahulugang malaki rin ang bahagi ng populasyon nito na nagsabing ligtas nga sila sa kanilang sariling bansa.

Sa pamamagitan ng nasabing survey, inalam ng Gallup ang opinyon ng mga kasali hinggil sa lagay ng seguridad sa kani-kanilang bansa at ang kanilang mga personal na karanasan kaugnay sa mga batas na ipinatutupad ng kani-kanilang bansa kontra krimen.

Kasama sa mga ibinigay na tanong ay ang mga sumusunod:

  • Tiwala ka ba sa mga lokal na pulis na nakabase sa lugar kung saan ka nakatira?
  • Ramdam mo bang ligtas ka kapag ikaw ay naglalakad nang mag-isa sa gabi sa lugar kung saan ka nakatira?
  • Nanakawan ka ba o ang iyong mga kasama sa bahay nitong huling 12 buwan?
  • Nakaranas ka ba ng pang-aatake o pang-aapi nitong huling 12 buwan?

Nasa 2,090 na mga Pilipino edad 15 pataas ang isinailalim sa face-to-face interview para rito mula Oktubre 8 hanggang 24 ng nakaraang taon. Mayroong 2.6 margin of error ang nasabing survey.

Base pa sa survey, parehong nakakuha ng pinakamataas na puntos o katumbas ng 97 porsiyento ang Singapore at Turkmenistan, na sinundan naman ng China, Iceland, at Kuwait na parehong nagtamo ng 93 porsiyento. Samantala, nasa pinakahuling puwesto naman ang Afghanistan na nakasungkit lamang ng 43 porsiyento.

Pinuri rin ng Department of the Interior and Local Government ang resulta ng nasabing survey at sinabing patunay ito na nananalo ang pamahalaan sa laban nito kontra droga at kriminalidad sa bansa.

“The government is even more committed to maintaining its current efforts against crime and drugs following the Philippines’ excellent standing in a prestigious worldwide survey on people’s views on their security,” pahayag ng Kagawaran.

Ikinalugod din ni Presidential Peace Adviser Carlito Galvez, Jr. ang naturang balita.

“We are glad to be recognized as among the safest countries in the world. Thanks to our law enforcers, peace workers, and everyone who has made a commitment to peace, we are moving forward as a peaceful, progressive and resilient nation,” ani Secretary Galvez.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.