PINAS IPATUTUPAD ANG TRAVEL BAN PARA SA MGA GALING SA INDIA

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of twitter.com/pia_riii
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inanunsyo ng Malacañang nitong Martes, Abril 27 na pansamantala munang ipatutupad ng Pilipinas ang travel ban sa mga indibidwal na manggagaling sa bansang India, na kasalukuyang dumaranas ng matinding pagtaas ng bilang ng mga kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang lahat ng mga magmumula sa India o iyong mga may travel history mula India sa loob ng 14 na araw bago sila dumating ng Pilipinas ay hindi muna pahihintulutang makapasok ng bansa simula 12:01 ng umaga ng Abril 29 hanggang Mayo 14, 2021.

Sinabi ng tagapagsalita ng Pangulo na kasama sa naturang travel ban ang mga Pilipinong magmumula o bumiyahe sa nasabing bansa.

Samantala, hindi naman sakop ng nasabing ban ang mga pasaherong nasa kalagitnaan na ng kanilang biyahe mula India o iyong mga may travel history kamakailan lamang galing India at darating ng bansa bago sumapit ang oras kung kailan magiging epektibo ang nasabing kautusan.

Gayunpaman, ani Secretary Roque, kinakailangan pa rin silang sumailalim sa 14 na araw na quarantine sa isang quarantine facility kahit na magnegatibo man ang resulta ng kanilang reverse transcription polymerase chain reaction o RT-PCR test.

“Restrictions as to travelers coming from other countries that report the new strain may be imposed by the Office of the President upon the joint recommendation of the Department of Health and the Department of Foreign Affairs,” ayon pa sa opisyal.

Dagdag pa ni Roque, kinakailangang tiyakin ng Department of Transportation na hindi papayagan ng alinmang airline o komersyal na sasakyang panghimpapawid na makasakay ang sinumang sakop ng nasabing travel ban, maliban na lamang iyong mga bahagi ng repatriation efforts ng pamahalaan.

Nitong mga nakaraang araw ay nakapagtala ang India ng nasa 300,000 kaso ng COVID-19 kada araw, dahilan upang halos maparalisa ang mga institusyong pangkalusugan sa mga pangunahing lungsod nito, tulad ng New Delhi, na siyang kabisera ng bansa.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.