PINAS LAYONG MABAKUNAHAN ANG 2-3 MILYONG PILIPINO KADA LINGGO

Ni Raiza F. Cabugwang
Vaccine Czar Carlito Galvez , Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Sinabi ni Vaccine Czar Garlito Galvez, Jr. nitong Miyerkules, Pebrero 17, 2021, na plano ng pamahalaan na mabigyan ng bakuna laban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang dalawa hanggang tatlong milyong Pilipino bawat linggo. 

Ayon kay Galvez, sa pamamagitan ng nasabing hakbang, masisiguro ng gobyerno na makakamit nito ang layuning mabakunahan ang 50 hanggang 70 milyong Pilipino sa taong ito at maabot ang tinatawag na herd immunity o ang pagbaba ng tsansang mahawaan ng COVID-19 ang mga indibidwal na hindi pa na nababakunahan bunsod ng sapat na bilang ng populasyon na nabakunahan at protektado na kontra sa virus. 

Sa kasalukuyan ay inaantay pa ang pagdating ng mga bakuna sa bansa. 

Ayon pa kay Secretary Galvez, na siya ring Chief Implementer ng National Task Force Against COVID-19, nakapagsumite na ang bansa ng indemnity agreement sa COVAX Facility para matuloy na ang pagpapadala ng suplay ng mga bakuna mula sa Pfizer-BioNTech at AstraZeneca. Ang nasabing kasunduan ay nagsasaad na aakuin ng bansa ang lahat ng responsibilidad sakaling makaranas ng major side effects ang mga babakunahan. 

“Binibigyan po namin sila ng guarantee na ‘yong gagawin natin na immunization, prepared na prepared na po ang Pilipinas, na kaya po natin i-handle pati po ‘yong mga adverse effects,” pahayag ng Kalihim.

Inaasahan ng pamahalaan na makatatanggap ang Pilipinas ng hanggang 170 milyong doses ng bakuna mula sa iba’t ibang pharmaceutical firms. 

Nakatakdang pinakamaagang magbibigay ng suplay ng COVID-19 vaccines sa bansa ang kumpanyang Sinovac mula sa China. Inaasahang tatanggap ang bansa ng 25 milyong doses ng bakuna mula rito, bagama’t inaantay pa ring mabigyan ito ng emergency use authorization mula sa Food and Drug Administration. 

“Ine-expect talaga natin na ang vaccination will be initially 50,000 lang ang ating plano before, coming from Sinovac. Pero ngayon nagkaroon nga ng magandang balita. So sa ating original plan, ang pinaka-major rollout natin talaga is second, third, and fourth quarter,” ani Galvez. 

Dagdag pa ng pinuno ng task force laban sa COVID-19, napakahalaga ng papel na gagampanan ng mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor para matagumpay na mailunsad ng pamahalaan ang COVID-19 vaccination program nito. 

“Napakahalaga ng pagtutulungan ng nasyonal at lokal na pamahalaan, ‘yong mga LGUs natin, mga mayors, kasama ang pribadong sektor upang mas mapabilis at mapadali ang pagbili ng bakuna para sa ating bayan,” saad ni Galvez.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.