PINAS, NAGLABAS NA NG EMERGENCY USE AUTHORIZATION SA ASTRAZENECA COVID-19 VACCINE

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Binigyan na ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) ang COVID-19 vaccine na binuo ng British pharmaceutical company na AstraZeneca. 

Ito ang inanunsyo ni FDA Director General Dr. Eric Domingo nitong Huwebes, Enero 28, 2021.

Pangalawa na ang AstraZeneca sa nabigyan ng EUA sa bansa. Nauna nang ipinagkaloob ito para sa Pfizer BioNTech.

Ayon kay Dir. Gen. Domingo, 70 porsyentong epektibo ang naturang bakuna sa oras na naibigay na ang unang dose nito sa isang indibidwal.

“All conditions for EUA are present, and the benefit of using the vaccine outweighs potential risk. The interim data, taken in its entirety, showed an efficacy rate of 70% after the first dose. Tumataas ito pagkatapos bigyan ng second dose, depende rin sa length of time kung kailan ibinigay iyong second dose,” pahayag ng direktor ng FDA. 

Dagdag pa ni Domingo, nauna na aniyang ipinakita ng AstraZeneca na napakaepektibo ito upang mapigilan ang pagkakaroon ng malalang COVID-19 infection.

“Iyong data ng AstraZeneca showed it is very good in preventing severe COVID-19, halos 100% rin. Kaya lang maliit pa ang datos nila, at mau-update pa ‘yan. So, iyong 70% [na efficacy after first dose], kahit may nagkasakit [ng COVID-19], hindi grabe,” saad ni Domingo. 

Ayon pa sa FDA Chief, ang dalawang doses ng nasabing bakuna laban sa COVID-19 ay maaaring ibigay sa pagitan ng apat hanggang labindalawang linggo sa mga indibidwal na edad 18 taong gulang pataas.

Ang vaccine providers na tinukoy ng Department of Health lamang ang maaaring mangasiwa sa pagbibigay ng naturang bakuna. 

Nilinaw rin ni Domingo na kailangan pa ring magsagawa ng masusing monitoring at surveillance kapag matapos nang gawin ang pagbabakuna. 

Bago pa ito masuri ng FDA, nagpakita na ng 90 porsyentong efficacy rate ang AstraZeneca COVID-19 vaccine matapos itong sumailalim sa human trials. Sa human trials para rito na isinagawa sa ibang bansa, napag-alamang 70 porsyentong epektibo ito sa paglaban sa COVID-19 pagkatapos maibigay ang dalawang doses ng bakuna, ngunit tumaas ang efficacy rate nito sa 90 porsyento matapos bawasan ng kalahati ang unang dose nito. 

Gayunpaman, nilinaw ni Domingo na ang potensyal na maabot ng AstraZeneca ang mas mataas na efficacy rate ay hindi nakadepende sa dami ng doses na ibibigay sa isang indibidwal. 

“Tuluy-tuloy pa po ang clinical trials [for AstraZeneca’s vaccine], but currently it does not depend on half dose then standard dose, or standard dose then [another standard dose]. It is more [dependent] on the time difference between first and second doses,” paliwanag ni Dr. Domingo. 

Samantala, mild hanggang moderate lamang aniya ang magiging epekto ng naturang bakuna sa mga indibidwal na tuturukan nito, na katulad lamang aniya sa isang regular na bakuna. 

“Ang pananakit doon sa lugar ng injection, konting sinat, konting sakit na ulo… that can all be easily managed. Walang special na precaution up to date kasi walang specific safety concerns na naidentify,” ani Domingo.

Nilagdaan na ng Pilipinas ang kasunduan upang masigurong mabibigyan ang bansa ng 17 milyong doses ng AstraZeneca vaccine, na kayang mabakunahan ang nasa 8.5 milyong katao. 

Nakatakdang dumating sa bansa ang suplay ng nasabing bakuna sa Hunyo ng taong ito.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.