PINAS NAKAPAGTALA NG 92.8% COVID-19 RECOVERY RATE

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na umabot na sa 92.8 porsyento ang kabuuang bilang ng mga gumaling mula sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. 

Nitong Linggo, Enero 31, 2021, pumalo na sa 11,653 ang nadagdag sa kabuuang bilang ng mga nakaalpas mula sa nasabing karamdaman, na ngayon ay nasa 487,551 na. 

Umabot naman sa 80 na kaso ang mga bagong naidagdag sa bilang ng mga pumanaw na mula sa sakit, sapat upang umakyat na sa 10,749 ang kabuuang bilang nito. 

Samantala, 2,103 naman ang mga naiulat na bagong aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, dahilan upang maging 27,318 naman ang kabuuang bilang nito. 

Ayon sa DOH, 87.7 porsyento ng mga aktibong kaso ay nakararanas ng mild na mga sintomas, 5.5 porsyento ang mga asymptomatic, 3.3 porsyento ang nasa kritikal na kalagayan, 2.8 porsyento naman ang maituturing na severe cases, at 0.60 porsyento naman ang mga nagpapakita ng moderate na mga sintomas. 

Gayunpaman, siniguro ng Kagawaran na mayroon pang  sapat na bilang ng hospital beds na nakahanda sakaling umakyat pa ang bilang ng COVID-19 patients sa bansa. 

Sa kabilang banda, sinabi naman ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na pag-aaralan ng kaniyang tanggapan ang mga balita hinggil sa posibilidad na maaaring  tamaan ng dalawang klase ng COVID-19 variants ang isang indibidwal. 

Kamakailan lamang ay napag-alaman ng mga mananaliksik mula sa bansang Brazil na may dalawang pasyenteng parehong tinamaan ng dalawang magkaibang strains ng COVID-19. 

“Ito po ‘yong pinag-uusapan ng ating mga eksperto alongside with the Inter-agency Task Force for COVID variant ‘yong posibilidad na ang isang tao ay magkaroon ng dalawang magkaibang variant. Kailangan talagang pag-aralan dahil ito po ay mas magiging mahirap ang response natin kung saka-sakaling ang isang tao talaga ay ma-prove na pwedeng magkaroon ng 2 or 3 variant in a specific individual,” saad ni Vergeire.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.