PINAS PINALAWIG ANG TRAVEL BAN SA 5 PANG BANSA BUNSOD NG BAGONG COVID-19 VARIANT

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pia.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inanunsyo ng Malacañang nitong Martes, Enero 13, ang pagkakadagdag ng lima pang bansa sa listahan ng mga nakapailalim sa travel ban sanhi ng pag-usbong ng bagong variants ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19). 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bukod sa mga manggagaling sa bansang China, pansamantalang pagbabawalan ding makapasok ng bansa ang mga magmumula sa mga bansang Pakistan, Jamaica, Luxembourg, at Oman simula 12:00 p.m. ng Miyerkules, Enero 13, hanggang Enero 15.

Gayunpaman, ang mga Pilipinong manggagaling sa mga nabanggit na bansa ay papayagan pa ring makabalik ng Pilipinas, ngunit kinakailangan pa rin silang sumailalim sa 14-day quarantine period kahit na sila ay magnegatibo sa COVID-19.

Ang travel ban ay alinsunod pa rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases.

Bago pa man ang nasabing ban ay inanunsyo na ng Palasyo ang travel restrictions para sa 28 na bansa kung saan natukoy ang bagong COVID-19 variants na itinuturing na mas nakahahawa kaysa sa orihinal na variant ng mga ito.

Kabilang sa listahan ng 33 na bansang kasalukuyang nasa ilalim ng travel ban ay ang mga sumusunod:

  • Australia 
  • Austria
  • Brazil
  • Canada
  • Denmark
  • Finland
  • France
  • Germany
  • Hong Kong SAR
  • Iceland
  • India
  • Ireland
  • Israel
  • Italy
  • Jamaica
  • Japan
  • Jordan
  • Lebanon
  • Luxembourg
  • Norway
  • Oman
  • Pakistan
  • People’s Republic of China
  • Portugal
  • Singapore
  • South Africa
  • South Korea
  • Spain
  • Sweden
  • Switzerland
  • The Netherlands
  • United Kingdom
  • United States

Pinagdedesisyunan pa ng Malacañang kung palalawigin o tatanggalin na nito ang naturang travel bans na epektibo na lamang hanggang sa darating na Biyernes, Enero 15. 

Bumuo na rin ang pamahalaan ng technical working group  para magmonitor sa bagong variants ng COVID-19, gayundin upang maghanda ng mga panukala ukol dito. Ito ay matapos maiulat ng mga awtoridad sa Hong Kong na isang pasahero mula sa Manila ang nagpositibo sa bagong strain ng virus pagkarating nito sa nasabing lugar. 

Sa kabila ng mga ito, patuloy pa rin sa pagpapaalala ang mga eksperto sa publiko na maging maingat, sapagkat ang panibagong variants ng COVID-19 ay maaaring magdulot na naman ng pagtaas ng kaso ng impeksyon sa bansa at mauwi sa hard lockdowns na lubhang makaaapekto sa ekonomiya.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.