PINAS SISIGURADUHING MAKAKAKUHA NG 20M DOSES NG MODERNA VACCINE

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inanunsyo ng Palasyo nitong Martes, Enero 19, 2021, na titiyakin ng pamahalaan na makakuha ang bansa ng 20 milyong doses ng bakuna mula sa US-based pharmaceutical company na Moderna upang maprotektahan ang mga Pilipino laban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“‘Yong Moderna sabi ni [Philippine] Ambasador [Jose Manuel] Romualdez, pwede na inanunsyo. We can look forward to 20 million doses of Moderna,” pahayag ng tagapagsalita ng Pangulo.

Nauna nang siniguro ng pamahalaan ang suplay ng 30 milyong doses ng bakuna mula sa Novovax at Serum Institute of India, 25 milyong doses mula sa Sinovac ng China, at 17 milyon naman mula sa United Kingdom-based na kumpanyang AstraZeneca. 

Ayon pa kay Spokesperson Roque, nakagawa na aniya ang gobyerno ng “term sheets” sa nasabing mga kumpanya.

Sinabi rin ni Roque na inaasahang may darating na suplay ng Pfizer vaccines sa bansa sa susunod na buwan mula sa COVAX, isang pasilidad na suportado ng World Health Organization para matiyak na may pantay na access sa COVID-19 vaccines ang mga bansa. 

Sa Pebrero, inaasahan ding darating sa bansa ang 50,000 na doses ng bakuna mula sa Sinovac.

Pagdating sa bisa ng mga bakuna, ani Roque, nasa 95 porsiyento ang efficacy rate ng Pfizer vaccine, samantalang ang Moderna naman ay nasa 94 porsiyento ang efficacy rate, ang AstraZeneca ay nasa 62 hanggang 90 porsiyento, at ang Sinovac ay nasa 50 hanggang 91 porsiyento.

Nasa P82.5 bilyon ang inilaan nang pondo ng pamahalaan sa pagbili ng mga bakuna laban sa COVID-19. Ayon kay Roque, sa halagang ito, P70 bilyon ang kukunin mula sa loans, ang P2.5 bilyon ay manggagaling sa national budget, at ang natitirang P10 bilyon ay huhugutin galing sa budget ng “Bayanihan to Recover as One” o “Bayanihan 2”, ang batas na ipinanukala upang makaahon ang bansa sa mga suliraning pangkalusugan at pang-ekonomiya na dulot ng pandemya.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.