PINAS SUSUSPENDIHIN ANG PAGPASOK NG MGA BIYAHERONG GALING IBANG BANSA MULA MARSO 20; OFWs PAPAYAGAN PA RING MAKAUWI

Ni Raiza F. Cabugwang
Photo courtesy of pna.gov.ph
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inanunsyo ng National Task Force (NTF) Against Coronavirus disease 2019 (COVID-19) nitong Martes na sa darating na Marso 20 ay ipatutupad ng bansa ang pansamantalang suspensyon sa pagpasok ng mga biyaherong magmumula sa ibang bansa, maging dayuhan man o Pilipino, maliban na lamang sa overseas Filipino workers (OFWs). 

Ito ay kasunod ng muling pagtaas ng bilang ng kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa base sa pagtatala ng Department of Health (DOH). 

Sa isang memorandum circular, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, na pinuno rin ng NTF, na magsisimula ang naturang ban pagsapit ng 12:01 ng umaga ng Marso 20 at tatagal ito hanggang Abril 19.

Bago magsimula ang nasabing suspensyon ay lilimitahan na rin sa 1,500 kada araw lamang ang bilang ng mga indibidwal na papayagang makapasok ng bansa. 

Ayon pa kay Secretary Lorenzana, ang mga sumusunod na indibidwal lamang ang hindi kasama sa travel suspension:

  • iyong mga may 9(e) visas
  • iyong mga nasa ilalim ng medical repatriation at ang kanilang mga kasama base sa pag-iendorso ng Department of Foreign Affairs – Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (DFA-OUMWA) o ng Overseas Workers Welfare Administration 
  • iyong mga pauwing OFWs base sa pag-iendorso ng DFA-OUMWA; at,
  • iyong mga papasok ng bansa na may emergency, humanitarian reasons o iba pang mga katulad na kaso na may kaukulang pahintulot mula sa NTF.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, maaaring mapantayan ng kasalukuyang paglobo ng mga kaso ng COVID-19 ang mga naitalang matataas na bilang ng pagkahawa sa virus noong Agosto ng nakaraang taon. 

Nagbabala rin ang University of the Philippines-OCTA research group na ang kasalukuyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay maaaring resulta ng pagkalat ng iba’t ibang variants ng virus na kinabibilangan ng B.1.1.7 variant mula sa United Kingdom, B.1.135 strain mula South Africa, at P.1 na nagmula naman sa Brazil.

Sinabi rin ni OCTA Research member Professor Guido David na base sa 1.9 reproduction rate ng virus sa bansa, maaaring umabot sa 8,000 kada araw ang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas bago sumapit ang Abril.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.