Lungsod ng Quezon — Binigyang-alaala ng PNP ang memorya ng pinakaunang hepe ng Philippine Constabulary nang pasinayaan nito ang isang life-horse mounted bronze monument sa National Headquarters nitong Marso 8.
Ginawa ang solid bronze bilang pagbibigay-pugay kay Brigadier General Rafael Perez de Tagle Crame na may malaking papel sa pagpigil sa Manila Mutiny noong 1921 sa ilalim ng kolonisasyon ng mga Amerikano.
Kasama sa seremonya si PNP Chief Police General Debold M. Sinas, NHCP Chair Dr. Rene R. Escalante, at Roman A. Azanza, Jr. at Christine Crame mula sa Crame Family.
Iniukit ang iskultura ni Jose Dionas Roces na siya ring artist ng 43-foot bronze at granite monument ni Dr. Jose Rizal sa Calamba City.
Inilipat na ang lumang monumento ni General Crame na nakatayo pa noong 1950 sa Malabon City kung saan ito ipinanganak.
Inilipat na rin maging ang mga labi nito mula Manila North Cemetery sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio noong 2003.