PNP CHIEF NANAWAGAN NG MAGKATUWANG NA PAGPAPALAGANAP NG PEACE AND ORDER SA LOOB AT LABAS NG UPLB CAMPUS

Ni Joan Alcantara
Photo: UPLB
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nakipagpulong kamakailan lang si PNP Chief Debold M. Sinas sa mga opisyal ng UP-Los Baños upang pag-usapan ang community safety programs sa loob at labas ng campus.

Nitong Enero 28 ay nakipagkita ang PNP Chief kasama ang ilang opisyal ng Laguna PPO kay Dr. Jose V. Camacho, Jr., chancellor ng UPLB.

Sa nasabing pulong, humingi ng paglilinaw ang PNP ukol sa polisiya ng unibersidad sa pagsasagawa ng police operations sa loob ng UPLB community.

Kasama rin sa agenda ang isyu ng peace and order sa loob at labas ng campus, lalo na sa UPLB housing areas sa ilang mga lugar sa Laguna.

Nagkasundo ang dalawang panig na bumuo ng isang technical working group na gagawa ng memorandum of agreement para sa  “UPLB Ko, Bantay Ko” program na planong ilabas sa Pebrero.

“The PNP seeks to build stronger collaboration among stakeholders to protect campuses against criminal activities, drug syndicates, and organizations that promote and espouse Local Communist Armed Conflict against government thru force and violence,” pahayag ni PNP Chief Sinas. Dagdag pa niya, “Academic freedom remains constitutionally guaranteed as we are also mandated by law to protect the future of our nation from danger posed by lawless elements.”

Nag-alok din ang Laguna police ng Investigation and Arrest Techniques Trainings at Drug Awareness Symposia para sa UPLB.

Siniguro naman ng UPLB ang suporta sa mga lokal na pulis sa kanilang mga operasyon. Nagmungkahi rin ang unibersidad ng memorandum of agreement para sa Off-Campus Graduate Program on Strategic Planning and Development Management ng mga kwalipikadong pulis ng Laguna PPO.

Sumang-ayon din ang dalawang grupo na magsagawa ng quarterly coordinating meetings o emergency meetings kasama ang Laguna PPO, Los Baños MPS, at mga barangay chair sa paligid ng UPLB campus.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.