Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na handa itong buksan ang mga kampo nito bilang vaccination hubs bilang suporta nito sa pamahalaan.
“Depende rin po kasi ito sa arrangement between the different agencies concerned at saka ng PNP kasi kung ang purpose is ma-accommodate ang mas nakararaming mga mamamayan, baka ‘yung lugar po na pagdadausan nito ay posible magamit po ‘yung mga kampo ng PNP,” paliwanag ni PNP spokesperson, Brig. Gen. Ildebrandi Usana sa isang panayam sa radyo ngayong araw.
Ayon sa kanya, ito ay para siguruhin ang agarang pagbibigay ng bakuna sa mga target beneficiaries.
He also assured the immediate transport of vaccines assigned to police units to their intended destinations.
Siniguro rin niyang maihahatid agad ang mga bakunang nakatalaga sa PNP sa mga dapat na destinasyon ng mga ito.
Dagdag pa ni Usana, kasalukuyang inihahanda na ng PNP ang medical force nito na tutulong sa health professionals na siyang pangunahing haharap sa pagsasagawa ng vaccination drive sa buong bansa.