PNP, MULING NANGAKO NG ‘STRONGER PARTNERSHIP’ SA IBP PAGDATING SA MGA KASO NG PAGPATAY SA MGA MIYEMBRO NG LEGAL COMMUNITY

Ni Joan Alcantara
Photo: PNP-PIO
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Muling nagpahayag ng suporta kamakailan ang PNP sa IBP para sa mabilisang pagtugis sa mga nasa likod ng pagpatay sa judges, prosecutors, o sinumang miyembro ng legal community sa mga nakalipas na taon.

Nagkasundo ang top officials ng dalawang panig nitong Marso 16 na patuloy na magtutulungan sa ilalim ng Lawyer Security and Justice MOA na pinirmahan ng dalawang grupo noong Marso 2020.

Sa kanilang joint statement, sinabi ng PNP at IBP, “Lawyer killings shall be investigated promptly and thoroughly with the suspects subsequently identified, prosecuted, and penalized.”

Kinilala rin ng dalawang panig na nakatulong ang partnership sa mabilisang resolusyon sa kamakailan lamang ay mga kaso ng pagpatay kina Atty. Eric Jay Magcamit sa Palawan at Atty. Joey Luis Wee sa Cebu.

Sa katunayan, sinabi ni PNP OIC PLTGEN Guillermo Lorenzo Eleazar na bibigyan ng espesyal na atensyon ng PNP ang mga insidente ng karahasan laban sa mga abogado, prosecutor, at mahistrado.

Sinabi rin nitong committed ang PNP sa pagbibigay ng agarang seguridad at proteksyon para sa mga abogado, prosecutors, at judges na nasa panganib o may banta ang buhay dahil sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Tutulong din ang PNP na mapabilis ang pag-isyu ng gun license at permit sa mga kwalipikadong aplikante sa propesyon at mapahusay pa ang kaalaman ng mga miyembro nito sa security, personal defense, at firearms proficiency and discipline.

Handa ipagamit ng PNP ang pasilidad nito para sa training ng mga legal practitioner.

Dagdag pa ng OIC, nagsasagawa rin ng sariling review ang PNP HRAO sa pagsunod ng mga pulis sa human rights standards sa police operations.

Paiigtingin din ng dalawang panig ang partnership ng local IBP Chapters at PNP Regional at Provincial Police Offices sa buong bansa.

Sa panig naman ng IBP, sinabi ni IBP President Atty. Domingo Egon Cayosa na magbibigay ng legal assistance sa mga kwalipikadong police officers na biktima ng harassment dahil sa trabaho.

Tutulong din ang IBP na mapabuti ang kaalaman at kahusayang legal ng mga pulis at maitanim sa mga ito ang pagsunod sa rule of law at respeto sa basic rights sa pamamagitan ng lectures, seminars, workshops, at iba pang training programs.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.