PNP NAKAKUHA NG KARAGDAGANG DOSES MULA SA ASTRAZENECA

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Nakakuha ng dagdag pang doses ng COVID-19 vaccines mula sa CoronaVac at AstraZeneca ang Philippine National Police (PNP) para sa medical frontliners nito. 

Ayon kay PNP Officer-in-Charge Lt. Gen. Guillermo Eleazar kahapon, marami pang personnel ang babakunahan ngayong araw matapos silang makakuha ng 700 na doses ng AstraZeneca. 

“We will prioritize the remaining healthcare workers, including the non-medical staff of our hospital and isolation facilities in the National Capital Region due to the limited initial allocation,” saad niya.

Bukod dito, nakuha na rin ng PNP ang pangalawang dose para sa 1,196 healthcare workers (HCWs) na nauna nang tumanggap ng Sinovac noong Marso 1 hanggang 7. 

Base sa datos ng PNP, nakapagbigay rin ng bakunang gawa ng Sinovac sa HCWs sa labas ng Metro Manila. Ang mga susunod na dose ay manggagaling na sa regional offices ng Department of Health.

“There are only a few of them in Metro Manila so we expect that there will be remaining AstraZeneca doses for the third priority, which are our healthcare workers, regardless of age, but with comorbidities. If there are still left, we will go to the fourth priority, the healthcare workers who were not vaccinated with Sinovac,” dagdag ni Eleazar.

Ayon sa pinakabagong survey ng ASCOTF, ang 80 percent ng populasyon ng PNP ay handang magpabakuna.

Binigyang-diin din ni Eleazar ang kahalagahan ng pagpapabakuna lalo na sa mga miyembro ng PNP dahil sila ang frontliners sa pagpapatupad ng health safety standard protocols. Ang medical health workers ng PNP ay ang mga nag-aalaga sa mga PNP personnel na nagpositibo sa virus at kasalukuyang nasa mga ospital at isolation facilities.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.