PNP NHQ, NAGSIMULA NANG MAGPATUPAD NG WORK FROM HOME ARRANGEMENT PARA SA NON-UNIFORMED PERSONNEL DAHIL SA TUMATAAS NA KASO NG COVID-19

Ni Joan Alcantara
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Inaprubahan na nitong Marso 17 ang simula ng work-from-home arrangement para sa mga non-uniformed personnel ng PNP sa NHQ sa Camp Crame dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa NCR.

May pagtaas na rin ng bilang ng mga kaso sa ranggo ng PNP.

Inatasan na ni PNP OIC Police LtGen Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang lahat ng opisina sa NHQ na magsagawa ng assessment kung paano ipatutupad ang modified work arrangement nang hindi naaapektuhan ang kanilang serbisyo sa publiko.

Nauna nang sinabi na gagamitin ng PNP ang Kiangan Building kasama na ang Provident Funds at PSSLAI bilang quarantine facilities para sa PNP personnel.

Tinitingnan na rin kung paano gagawing posible ang parehong work arrangement para sa kanilang uniformed personnel.

“In as much as we wanted to extend the same work arrangement for our uniformed personnel, the nature of our job makes it difficult to implement the same because aside from our regular law enforcement duties, we are also engaged in other functions that include the enforcement of the quarantine protocols such as the recent implementation of the uniform curfew hours in Metro Manila. However, there is already an ongoing assessment on alternative work arrangement for our uniformed personnel,” saad ng OIC.

May sarili namang diskresyon ang NCRPO at regional offices ng PNP kung ipapatupad din ng mga ito ang katulad na arrangement.

Tinitingnan na rin ng NHQ kung anong tamang gawin sa bilang ng mga kliyenteng gumagamit ng frontline services gaya ng pagkuha ng police clearance at permits.

Muling pinaalalahanan ng OIC ang lahat sa istriktong pagsunod sa minimum health safety protocol sa lahat ng pagkakataon, gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield.

Magsasagawa ang PNP ng random at surprise red teaming operations sa buong bansa para siguruhin ang pagsunod dito.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.