Pinangunahan ng PNP ang reforestation ng ilang parte ng Marikina Watershed sa Rizal kasama ang DENR nitong Enero 31 sa Sitio Canumay Brgy. San Jose Antipolo City, Rizal.
“This initiative is not only socially relevant but is deeply rooted in the PNP core values of Maka-Diyos, Makabayan, Makatao at Maka-Kalikasan,” sinabi ni PNP Chief Police General Debold M. Sinas.
Nilahukan ng 900 PNP personnel, DENR employees, at mga kasapi ng 4×4 Expedition Philippines na NGO partner ng PNP ang malakihang tree-planting program sa Rizal.
Nasa 10,000 assorted hardwood at fruit-bearing seedlings ang naitanim sa 368-hectares reservation na ibinigay sa PNP SAF sa ilalim ng Presidential Proclamation 1355 series of 2007.
“The police can serve as an instrument of the DENR in pursuit of ecological balance and against natural resource degradation due to ‘kaingin’, illegal mining, illegal logging, illegal fishing, and other violations of environment laws,” dagdag pa ni PNP Chief Sinas.