PNP tinutugis na ang 9 na dating pulis na sangkot sa barilan sa Jolo

Ni Ivy Atompag
Photo: PNA
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on email
Email

Bumuo na ang Philippine National Police (PNP) ng mga grupo upang alamin ang kinaroroonan ng siyam na dating pulis na sangkot sa pagkamatay ng apat na army intelligence operatives sa isang barilan sa Sulu noong nakaraang taon. 

“Meron na kaming mga trackers na in-organize at kasama doon sa trackers, of course yung negotiation approach para lumabas sila ng kusa para mapabilis ang pag surrender nila,” sabi ni PNP chief, Gen. Debold Sinas sa isang interview sa telebisyon kagabi.

Ayon kay Sinas, naglabas na ng warrant of arrest ang Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) sa mga tahanan ng mga suspek sa Jolo, Sulu. 

Dagdag pa niya, mas maiging sumuko na lamang ang mga ito at hindi na manlaban sa mga opisyal. 

“Mas maganda na sumurender na sila kasi may instructions naman talaga na hulihin sila at sana hindi sila mag resist para wala pong mangyari,” the PNP chief added.

Matatandaang noong Enero 12 ay pinalaya ng PNP ang siyam na ex-police officers dahil sa kawalan ng warrant of arrest sa kabila ng apela ng Department of Justice (DOJ) na panatilihin ang mga ito sa pangangalaga ng PNP.

Inanunsyo ni Sinas ang pagkakatanggal ng siyam sa serbisyo bago sila palayain mula sa PNP headquarters sa Camp Crame. 

“No bail” ang rekomendasyon. Ibig sabihin, hindi maaaring makalaya ang mga dating pulis sa bisa ng piyansa. 

Namatay sa barilan sina Maj. Marvin A. Indammog, 39; Capt. Irwin B. Managuelod, 33; Sgt. Jaime M. Velasco, 38, at Cpl. Abdl Asula, 33.

Ang apat na sundalo ay nagsasagawa ng intelligence and monitoring operations laban sa dalawang hinihinalang suicide bombers nang barilin ng siyam na pulis Jolo.

CONTACT US

Anchored on its mantra, “Sentro ng Katotohanan, Tapat sa Mamamayan”, Balita Central Digital complements and supports the Balita Central newspaper published bi-monthly to combat fake news and to provide the public with easy-to-digest news bits that are sourced solely from the Presidency and government agencies. 

Balita Central is under the supervision of the Bureau of Communications Services (BCS), one of the attached agencies of the Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Launched on February 28, 2019 at the Manila Light Rail Transit System Line 2 (LRT-2) Cubao Station, Quezon City, it also aims to raise awareness among local communities about the policies, programs, and accomplishments of the Presidency. 

Through this platform, Balita Central Digital aims to reach further the online community to deliver more accurate information and communication services in order to educate the citizenry regarding national issues which would enlighten them to be engaged and be empowered in contributing to building a better nation.

Balita Central is situated at the BCS Headquarters located beside the Philippine Cancer Society along San Rafael, San Miguel, Malacañang Complex, Manila City. Its official website address is balitacentral.ph.

For inquiries and feedback, Balita Central may be contacted at editorialdesk.bcs@gmail.com.